Pinag-uusapan ng mga netizen ang magandang gesture ni EAT Bulaga dabarkad at host Maine Mendoza hinggil sa pagiging gentleman ni Enrique Gil (Quen).
Bumisita kasi ang guwapong aktor sa naturang show para sa promo ng upcoming series nito sa TV5 na “A Secret in Prague” kasama si Andrea Brillantes.
Sa isang bahagi ng interview ay buong ningning na “flinex” ni Maine (Menggay) ang naging kabaitan ng aktor sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto noong minsang magkasabay sila sa US Embassy. Hindi pa raw siya artista noon.
Nabigla man si Quen nang marinig niya ang kuwentong ito ni Menggay, pero naging lubos ang kanyang pasasalamat lalo’t hindi na niya matandaan ang naturang insidente sa tagal na.
“That goes to show na innate o naturalesa ni Quen ang maging mabuti at gentleman,” reaksyon ng netizen.
Sinabi pa ni Maine na sobrang naging memorable sa kanya ang nasabing insidente o ang encounter nila na iyon ni Quen dahil bukod sa kabaitan nito, ang aktor din ang unang artista na nakita niya ng malapitan.


