Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Volleyball pool members para sa Japan Asiad inilahad na

Pinangalanan na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga myembro ng men’s at women’s volleyball pools para sa 20th Asian Games na gaganapin sa Aichi-Nagoya, Japan mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Binubuo ang pool ng karamihan sa mga manlalarong naglaro sa FIVB Men’s World Championship na ginanap sa bansa noong Setyembre 2025 at sa Southeast Asian Games (SEAG) sa Bangkok, Thailand noong Disyembre 2025.

 Kabilang sa women’s pool sina Jia De Guzman, Justine Yliyzeth Jazareno, Jennifer Nierva, Dawn Nicole Catindig, Mhicaela Belen, Eya Laure, Angel Anne Canino, Thea Gagate, Fifi Sharma, Vanessa Gandler, Alleiah Jan Malaluan, Amie Provido, Nina Ytang, Janette Panaga, Erika Santos, Arah Panique, Marionne Angelique Alba, Maria Angelica Cayuna, Shaira Jardio, Dell Palomata, Shaina Marie Nitura, at Alyssa Jae Solomon.

 Samantala, kabilang sa men’s squad sina Bryan Bagunas, Marck Jesus Espejo, Lloyd Josafat, Jude Garcia, Michaelo Buddin, Leo Ordiales, Al Bukharie Sali, Rwenzmel Taguibolos, Ave Joshua Retamar, Josh Ybañez, Adrian Villados, Vince Patrick Lorenzo, Kristofer Rodge Alejos, at Trevor Torio.

 Nagpadala na rin si POC secretary general Wharton Chan ng mga liham para sa muling pagtatalaga kina Italian Angiolino Frigoni at Japanese Takayuki Minowa bilang head coaches ng men’s at women’s teams, ayon sa pagkakasunod.

 Magsisimula ang kanilang appointment sa Hulyo 1 at magtatapos sa Oktubre 15.

 Sa Hulyo 1 rin ang huling araw ng pagsusumite ng entry by names sa Aichi-Nagoya Organizing Committee.

Inaasahan ng POC ang suporta ng Premier Volleyball League para sa Alas women, na karamihan ay naglalaro sa naturang liga.

Ang POC and inatasang mamahala sa programa ng pambansang volleyball team ng bansa habang suspendido ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ng internasyonal na tagapamahala na FIVB (Fédération Internationale de Volleyball).

POC rin ang mangangasiwa at mamamahala sa mga pambansang koponan sa lahat ng sports para sa Olympics, Asian Games at SEAG.

Sinuspinde ng FIVB ang PNVF noong Mayo 29 dahil sa mga isyu sa pamamahala at umano’y paglabag sa Code of Ethics nito.

Kasunod ng desisyon ng FIVB, sinuspinde rin ng POC at Philippine Sports Commission ang PNVF.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles