Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vice Ganda, tinanggap ng netizen ang apology; sey ng bashers, “gimik lang”

Mabilis din namang tinanggap ng netizen at mga It’s Showtime viewers ang public apology na ginawa ni meme Vice Ganda matapos siyang kuyugin ng bashers dahil sa ginawa niya sa isang segment ng show last Wednesday.

Tumanggap nga ng backlash si Vice sa portion na “Memerimar” skit involving Baby Dolls member Johaira Morris. 

Sa naturang skit ay sinabuyan niya ng tubig ang mukha ni Johaira at nakapagbitaw ng mga katagang hindi maganda tungkol sa balat at kutis nito.

Isang African-American-Pinoy si Johaira at para sa mga manonood, napaka-insensitive at colorist ang naturang joke ni Vice.

Ang mga linyahang “anong nangyari sa iyo, bakit nag-putik ka,” ang tinutulan ng mga manonood at nagsabing sobra silang disappointed sa award-winning TV host lalo’t tila naging normal at natural na umano dito ang magbiro ng personal.

Mabilis namang ini-acknowledge ni Vice ang pagkakamaling nagawa kaya’t maagap itong humingi ng apology sa madlang pipol.

Sambit ni Vice, “Ina-acknowledge po namin ang inyong sentimyento at humihingi po kami ng paumanhin sa inyo. And we will try to do better. Maraming, maraming salamat.”

Tinanggap naman ito ng mga taong nagsasabing unlike before na tila mahirap itong gawin ni Vice, this time daw ay tila nga natututo na itong mabilis na magpakumbaba at humingi ng tawad kapag nagkakamali.

Samantala, may ilan pa ding mga bashers na nagpaparatang na malamang raw ay bahagi na naman ng kung anong gimik at palabas ang naturang pangyayari para lagi daw na may pinag-uusapan sa programa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles