Masayang-masaya ang lahat ng mga nakaka-alam ng istorya ng mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine dahil pagkatapos ng mahigit na pitong taon, ay muling nabuksan ang magandang komunikasyon ng mag-ina.
Literal na nagkaroon ng “kiss and make up” ang mag-ina nang sila’y makitang magkasama sa isang video kung saan nag-recording ang mag-amang Sarah at daddy Delfin nito.
Para nga sa pagdiriwang ng kanyang ika-38 kaarawan ang nasabing recording session ilang araw bago ang birthday nito noong July 25.

Si Sarah ang itinuturing na Pop Royalty ng showbiz na nagkaroon ng hidwaan sa kanyang ina matapos itong makipag-tanan sa asawa na nito ngayong si Matteo Guidicelli noong 2020.
Bago pa man ang naturang pagtatanan ay bantog na sa showbiz ang reputasyon ni Mommy Divine bilang “pakialamera” sa buhay pag-ibig ni Sarah simula nang sumikat ito ng husto.
Bukod tanging kay Matteo lamang sumuko si Sarah dahil ipinaglaban din naman siya nito sa kanyang pamilya at pinanindigan din ni Sarah ang pagmamahal nito sa asawa kahit pa nga nagkaroon ng lamat ang samahan nilang mag-ina.
But everything is all well now dahil sa naturang video ng recording session ay makikitang very sweet ang mag-ina, nagyayakapan at hinahalikan pa ni Mommy Divine ang anak na para bang sabik na sabik ito sa ilang taon din nilang pagtitikisan.
Pinag-uusapan at viral ang simpleng pasilip ng Pop Royalty sa kanyang IG post ng ilang kuha sa nasabing recording studio.
Inawit ng mag-ama ang sikat na kantang REFRAIN ni Jose Mari Chan, at isa nga ito sa gagawing presentation sa inihahandang birthday event ni Sarah.
As we meet this deadline, walang anunsyong inilalabas hinggil sa selebrasyon ng ika-38 birthday ni Sarah pero may nakalap na impormasyon ang BISTADO source na isa nga daw sa magiging highlight nito ay ang isang production number na kasama mismo si Matteo Guidicelli.
May mga tsika ding lumalabas na baka nga daw totoo ang tsikang nas interesting stage na si Sarah kaya’t mas naging madali daw ang naging reconciliation nito kay Mommy Divine.
Ang simpleng caption ni Sarah na nagpapahayag na.“This is a gift to myself, to everyone and my father. To celebrate him and our love for music,” ay mayroon ng libo-libong repost at daang libong likes.
Dagdag pang post sa IG ng Pop Royalty na @justsarahgph, “Sobra akong masayang-masaya dahil I got to do this with the dearest person in my life, siyempre ang tatay at nanay ko. Kasama ko ang tatay ko ngayon, sharing beautiful music. Performing together is such a dream come true.”
Habang ang post naman ng ama niyang si daddy Delfin ay higit ding nakakuha ng maraming likes mula sa netizen.
“Sobrang proud ako sa anak ko kasi siguro, sa kaniya lang ako nakakakuha ng lakas ng loob. Sobrang masaya ko tsaka masyado akong na-touch sa mga kanta. Habang kumakanta kami, para akong maiiyak,” saad ng ama ni Sarah.


