Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vice Ganda, nilinaw ang isyu sa BTS tickets

Simula nang pumutok sa socmed ang isyu ng diumano’y pag-purchase ng tickets ni Vice Ganda para sa 2027 concert sa bansa ng globally popular BTS, ginawa na lang din itong katatawanan ng sikat na TV host-actor.

Sa programang “It’s Showtime” sa ABS-CBN 2 nitong Sabado, June 13, pinagtawanan at ginamit ni Vice sa kanyang usual and normal hosting spiel ang naturang tsismis na agad din naman niyang kinurek ng mag-viral ito last Friday.

Kahit sa grand finals portion ng Tawag ng Tanghalan ay ginamit niyang  “joke” na mananalo umano ng mga tickets sa BTS concert ang tatanghaling grand winner.

Matatandaang may mga BTS fans na kinastigo at binash ang host-actor dahil sa naturang tsismis lalo’t hanggang dalawa (2) tickets lamang ang allowed sa bawat nagnanais na magpa-reserve o mag-purchase nang pinag-uusapang magaganap na 2027 March concert sa bansa.

Kilala ang BTS sa buong mundo at ang presyo ng ticket sa concert ay talaga namang napakamahal at espesyal.

Tinatayang naglalaro sa P 7,500, 13,500, 20,000 hanggang sa P 25,000 ang price ng single ticket sa naturang concert na inaabangan kahit ng mga mayayaman at sikat na celebrities, gaya nga ni Vice Ganda.

“Mas mahiya ka at ang mga kapwa mong mga bobo na mapagpaniwala sa mga tsismis na pang tanga! Tama yan! Nawa’y magpuyos ang mga puso nyo sa galit na likha ng mga maliliit nyong utak na kayang gaguhin ng fake news,” ang bahagi ng sagot ni Vice nang sumabog ang akusasyong nag-hoarde siya ng mga tickets.
 
“Bobong mapagpaniwala ampotah! San galing ang 50tix? Aanhin ko yun? 100 ba yung mata at tenga ko kung sakaling manunuod man ako!!!. Ni hindi ko nga alam kung ano ang skedyul sa mga panahong iyan,” hirit pa ni Vice.

Ang napabalitang BTS Arirang world tour concert  ay magaganap sa March 13-14, 2027, sa Philippine Sports Stadium sa  Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles