Marami ang pumuri sa husay humarap sa tao at sa pagkakaroon ng “natural flare” ni Bimby Aquino nang maging special guest ito sa Eat Bulaga, kung saan binigyan ng special treat si Ryzza Mae Dizon last June 12 para sa kanyang 21st birthday.
Sa isang portion ng show kung saan nagpapahayag ng pagbati sa may birthday ang ngayo’y 19-anyos ng binata ni Kris Aquino, kitang-kita sa bagets ang namana nitong galing sa pagsasalita at pagpapakilig sa audience.
“Grabe, ang galing. Napaka-natural, very sincere, honest at ang daldal. Nakakatuwang kadaldalan. Lalaking version ni Kris,” komento ng mga Dabarkads na kilig na kilig sa mga spiels ni Bimby.
Nag-duet ang dalawa ng kantang “Pusong Bato,” na naging malaking parte ng promo ng movie na pinagsamahan nila noong 2013, kasama sina bossing Vic Sotto at Kris Aquino.
Ito yung “My Little Bossings,” na naging entry pa sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Anim na taong gulang lamang si Bimby noon habang eight (8) years old noon si Ryzza na kinagiliwan din ng sobra ni Kris.
Mayroon pa ngang pagkakataon sa show ni “Aling Maliit” (bansag kay Ryzza) na kinumisyon na ni Kris na maging future wife ni Bimby ang bibong produkto ng Little Miss Phils.
“Tawagin mo na akong ‘mama’.” ang noo’y bilin ni Kris kay Ryzza.
After 13 years nga ay muling nag-krus ang kanilang mga landas at nasaksihan ng Dabarkads na hindi pa rin nawala ang maganda nilang pagkakaibigan at samahan.
“Ang dami kong memories during those times. It’s beautiful talaga. Siyempre na-meet ko si Ryzza. Sana maibalik natin ang dati. Our friendship dati. Kasi, di ba, we lost contact?,” bahagi ng birthday message ni Bimby kay Ryzza matapos niya itong kantahan ng “Maybe This Time.”
Susog pa nito, “Never change kasi from the time na I’ve known you since you were eight years old, hindi ka nagbago. So stay the same person you’ve always been. A kind, siyempre beautiful, and caring person you are.”
Kilig na kilig ang Eat Bulaga audience pero mas lalong lumakas ang sigawan at palakpakan nang sumegue si Bimby, “at saka kung hindi man maging tayo, ninong ako. Mga Dabarkads, if we don’t end up together, kailangan ako ang ninong sa kasal niya.”
Kahit ang mga Dabarkads na sina Miles Ocampo, Maine Mendoza, Alan K at mismong si bossing Vic Sotto ay kilig na kilig at napatunganga na lang sa kanaturalan ni Bimby, habang kitang-kita ding masayang masaya si Ryzza.
Sa socmed nga ay mabilis na kumalat ang usap-usapang posible ng magkaroon ng ALDUB 2 series para kina Bimby at Ryzza.
Bago pa man natapos ang segment ay sinurpresa ni Bimby si Ryzza nang patalikurin niya ito at isabit ang regalo nitong kuwintas sa kaibigan habang may background music na ‘Maybe This Time’ na lalong tinilian at pinalakpakan ng mga live studio audience.


