“On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple. She is single and not in any relationship. We hope this settles the matter and that we all continue to spread and click kindness instead.”
Iyan ang naging opisyal na pahayag na inilabas ng Sparkle Artist ng GMA 7, kung saan nga kabilang si Bianca sa mga resident artists/talents dito.
Nakatanggap ng kopya ang BISTADO ng naturang statement (dated June 12), matapos na lumabas din dito ang “tsismis” na nagkahiwalay na sina Cortesi at Sterling at diumano’y si Manalo ang dahilan.

Mabilis itong pinag-usapan sa social media at ilang “tsismis online sites” last Wednesday and Thursday ( June 10 & 11), na ngayo’y pinagtakhan nga ng maraming netizen kung bakit umano nawala o burado na?
Umaasa ang Sparkle na sa pamamagitan ng kanilang clarification sa ngalan ng kanilang artist ay matitigil na ang mga malisyosong tsismis at ini-engganyo pa ang public “to continue to spread and click kindness instead.”
Base na nga rin sa kumalat na tsismis, diumano’y iniwan na si Celeste Cortesi ng kanyang British software developer partner na si Jonathan Sterling at umano’y ‘playing sweet music’ naman ito ngayon kay Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo?
Si Cortesi ay naging 2022 Miss Universe Philippines naman kaya’t matinding mga bashing at akusasyon ng pang-aahas ang ibinato kay Manalo ng mga naawa kay Cortesi na sa kasalukuyan ay buntis sa magiging anak nila ni Sterling.
Ang nasabing official statement ng Sparkle ay ni-repost naman ni Manalo na wala ng anumang pahayag na ibinigay.
Samantala, itinanggi naman ni Cortesi ang “tsismis” by saying na siya at si Sterling ay ,”are good” at ang “focus” nila sa ngayon ay nakatuon sa pangangalaga sa magiging anak nila na papangalananan nilang “Sergio.”
Nasa pangangalaga din ng Sparkle Artist ng GMA 7 si Celeste kung saan nakagawa na din siya ng ilang shows para sa network bago pa man siya nabuntis.


