Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vice Ganda, “conservative dresser na?”

Kung dati-rati ay madalas mapanood at makita si Vice Ganda sa “It’s Showtime” na nakasuot ng shorts o mini-skirt, tila nag-iba na ang ihip ng hangin.

Napansin ng solid viewers ng noontime show na mula raw nang bumalik si Vice last Saturday ay palaging mahahabang dress o palda ang suot ng Unkabogable Star. 

Hindi na rin daw ito nagsusuot ng high heels o rubber shoes. Palagi na lang siyang naka flat sandals sa show, ayon pa sa mga very observant na viewers.

Nagwo-worry ang mga faney kung bakit biglang nagbago ang styling ni Meme Vice, na isa pa naman daw sa nagdadala sa show being herself a “fashionista.”

Baka nga raw totoo ang tsika na may iniindang sakit o balitang namamaga umano ang paa ng comedian-TV host. 

Subalit marami naman ang nakakita kay Vice na naka-mini skirt ito at flat sandals nang manood ito ng SB19’s “Wakas At Simula” concert sa SMDC Festival Grounds noong Sabado ng gabi. 

Naging palaisipan tuloy kung may nagbigay daw kaya ng restriction pagdating sa TV ang naturang kabogerang TV-host tungkol sa mga isinusuot nito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles