Nakorner naman ng BISTADO si Ms. Shirley Kuan sa medicon ng A Secret in Prague kamakailan.
Si Ms Kuan ang manager ng magandang si Andrea Brillantes at ng movie queen na si Bea Alonzo. Nagsisilbi din siyang “business manager” (for endorsements) ni action superstar Coco Martin.
Hindi na nakatanggi si Ms. Kuan sa tanong ng BISTADO hinggil sa balitang this May na nga ikakasal ang alaga niyang si Bea sa nobyo nitong si Vincent Co.
“At alam naming sa Spain ito magaganap at kalat na kalat na ang mga invites sa mga VIPs na dadalo pati na ang mga usapin sa damit at iba pa,” pag-uusisa ng BISTADO.
“Unang-una, hindi naman siguro magsisinungaling ang Simbahan noh. Sila na ang nag-anunsyo ng wedding banns and all, so yun na,” sey pa ng mahusay at very accommodating na manager.
“But my lips are sealed talaga, I can not divulge further details dahil may confidentiality clause o non disclosure agreement ang both parties. Basta kung ano ang nababalitaan ninyo, basta hindi sa akin o sa team namin galing,” ang natatawa pa nitong pagbabahagi.
Paalis na this week (April 25) si Ms. Shirley papuntang California, USA dahil nginangarag na siya ng kanyang doktor na magpa-check up at ayusin ang mga isyu sa kanyang health para din daw magpatuloy ang year subscription niya ng mga gamot na napakamamahal.
“Naku, kinakagalitan na ako at pinagsabihang baka putulin ang subscription ko ng mga meds ko so I really need to go there,” dagdag pa nito.
Inusisa uli siya ng BISTADO kung hanggang kailan siya sa USA dahil papatapos na nga ang April. Sure din kasing se-segue siya papuntang SPAIN para siyemrpe dumalo at saksihan ang sinasabi sa showbiz na magiging “wedding of the year” nina Bea at Vincent.
Subalit isang makahulugang ngiti at pagtapik lang ang ibinigay nito sa taga BISTADO.


