Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vandolph, pinasalamatan at pinuri ng “Home Along Da Riles” family

Two years in the making ayon kay Vandolph, anak ng King of Comedy na si Dolphy, at “tumanda” na sa isa sa pinakasikat na sitcom sa telebisyon, ang Home Along Da Riles.

Umere sa ABS-CBN ang naturang sitcom simula noong 1992 hanggang 2003 at ito ang sinasabing sitcom na muling “bumuhay” sa showbiz career ni Dolphy na nasangkot noon sa isang iskandalo kaugnay ng kanyang “cheating issue” habang asawa pa niya si Alma Moreno at naugnay nga siya kay ZsaZsa Padilla.

Anak nina Dolphy at Alma si Vandolph na edad five or six years old lang daw nang mapasama siya sa naturang sitcom hanggang sa siya’y nakilala ding mahusay na komedyante at sidekick ng mga bida gaya ng yumaong ama, ninong niyang sina Fernadno Poe Jr, at iba pang action stars na nakatrabaho niya.

This time around, siya nga at ang kanyang pamangkin na si Boy2 Quizon na kapwa lumaki sa sitcom ang nagprodyus ng Home Along Da Riles, Da Reunion movie.

Sa ginanap na movie screening ng movie, lahat ng mga original cast members ng TV sitcom na parte din ng reunion movie ay dumalo. Ginanap ito sa The Metropolitan Theater sa Manila last June 2, 2026.

Present sina Nova Villa (Azon), Claudine Barretto (Bing), Vandolph (Baldo), Boy 2 Quizon (Estong), Smokey Manaloto (Bill), Gio Alvarez (Bob), at Maybelyn dela Cruz (Maybelle).

Sa pagsasapelikula nito 23 taon mula nang huli itong ipalabas sa ABS-CBN, inaasahang manunumbalik ang mga paboritong katatawanan, kulitan, at light drama na tatak ng beloved sitcom.

Dahil si Vandolph na tumatayong “ama” ngayon ng Cosme family, hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng na-involve sa produksyon, noon pa man at hanggang sa ngayon.

Bahagi ng naging speech ni Vandolph bago ang screening, “siyempre, hindi magiging totoo ang pangarap na ito kung hindi siyempre dahil sa ABS-CBN at Tita Cory, (Vidanes) sa pagtulong sa akin, at sa pagbibigay ng tiwala, at sa pagpapahiram ng franchise.”

Naging emosyonal din ang lahat ng mabanggit din ang ilang pangunahing mga bida sa sitcom partikular si Comedy King Dolphy na sumikat ng husto sa karakter niya bilang si Kevin Cosme.

Ang iba pang mga nakasama nila na mga yumao na ay sina Babalu aka Ritchie, na naunang pumanaw noon pang 1998.

Pumanaw na rin si Bernardo Bernardo, aka Steve, noong 2018; pati na si Tommy Angeles, aka Mang Tomas, noong 2002.

Sa ma-emosyong pagbabahagi ni Vandolph, “hindi namin kayo kailanman makakalimutan. Mananatili sa aming alaala at buhay na buhay ang mga karakter ninyo na minahal ng Kapamilya viewers noon, at mamahalin pa rin hanggang sa ngayon.”

Ang Home Along Da Riles: Da Reunion movie ay ipapalabas na simula sa June 17.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles