Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alden Richards, hinirang bilang OWWA’s Mental Health Awareness Ambassador 

Buong pusong tinanggap ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang pagkakahirang sa kanya bilang OWWA’s  (Overseas Welfare Workers Administration) Mental Health Awareness Ambassador.

Sa isang seremonya na ginanap nitong June 7, sa OFW Kabuhayan Expo 2026 na ginanap sa SMX Convention Center Manila,sa Pasay City, tinanggap ng guwapong aktor ang tinatawag niyang “bagong role” sa kanyang totoong buhay.

“This is indeed a very challenging one at this point of my life. Sana ay ma-deserve ko ito at mai-share ko ang kahit kaunting bahagi ng aking puso, isip at pagkatao sa napaka-relevant na advocacy na ito,” sey ni Alden.

Matatandaang nakaganap ng role bilang isang OFW si Alden sa dalawa sa pinaka top grossing local movies sa kasaysayan, kaya naman sa kanyang naging mga karanasan at bilang marami din siyang mga Kapuso, Kapamilya at kaibigang mga OFW, ramdam niya at alam daw niya ang mga pinagdadaanang emotional at psychological well-being ng global pinoys. Ang mga manggagawa na tinagurian ngayong mga bagong bayani ng bayan.

Bilang Ambassador ng Mental Health Awareness for OWWA, magiging mukha si Alden ng kampanya ng ahensya na mapanatiling kunektado sa kani-kanilang pamilya at sarili ang bawat pinoy OFW sa buong mundo.

Makakatulong din siya ng ahensya sa lahat ng mga proyekto at programa na isusulong dito o sa ibang panig na mayroong mga pinoy OFW at mga organisadong pinoy communities.

Ipinagmamalaki naman ng Sparkle GMA Artist Center kung saan isa sa mga prime talents si Alden, at ayon sa kanila, “this latest endeavor stands as another ‘purpose-driven role’ for Alden, who has a long-standing history of using his massive celebrity platform to support charitable causes and community empowerment.”

“Alden’s entry into the program highlights a crucial evolution in migrant welfare. While the Kapuso star has spent years entertaining and connecting with overseas Filipino communities across the globe, this formal partnership cements his role as a champion for their psychological and emotional well-being. Through his voice and influence, Alden aims to help bridge the gap, bringing mental health discussions to the forefront and breaking the social stigma surrounding psychological struggles,” bahagi pa ng statement ng Sparkle GMA Artist Center.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles