Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tropical Storm Sinlaku lumalakas sa labas ng PAR

Lumakas ang Tropical Storm Sinlaku habang nananatili sa ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

As of 3:00 am ngayong April 10, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang bagyo sa layong 2,725 kilometro silangan ng northeastern Mindanao. May lakas ito ng hangin na 65 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa dahil nananatili ito sa labas ng PAR.

Samantala, sinabi ng PAGASA na ang ridge ng High Pressure Area na nakaabot sa Northern at Central Luzon ang patuloy na nakaaapekto sa lagay ng panahon.

Dahil dito, makararanas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Sa Luzon, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang hangin na nagmumula sa silangan hanggang timog-silangan, na may bahagya hanggang katamtamang alon sa karagatan na 0.6 hanggang 1.8 metro.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, mahina hanggang katamtamang hangin mula silangan hanggang hilagang-silangan ang mararanasan, na may taas ng alon na 0.4 hanggang 1.8 metro. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles