Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tiu Laurel: ASEAN, India dapat magtulungan vs banta sa food security

Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ng mas matibay na kooperasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at India sa harap ng geopolitical tensions, climate change at pabagu-bagong presyo ng enerhiya at farm inputs na nagbabanta sa food security.

Ginawa ni Tiu Laurel ang panawagan sa Ninth ASEAN-India Ministerial Meeting on Agriculture and Forestry sa New Delhi, India nitong Miyerkules, September 9.

Bilang kinatawan ng Pilipinas, na ASEAN chair ngayong 2026, iginiit ni Tiu Laurel na hindi na pwedeng ituring na usaping pambansa lamang ang food security dahil tumatawid sa mga hangganan ang epekto ng problema sa kalakalan, transportasyon, enerhiya at agricultural inputs.

“Ang mga hindi katiyakan sa geopolitics at ekonomiya, mga sakunang dulot ng climate change, at pabagu-bagong presyo sa enerhiya, transportasyon, pagkain, at agricultural inputs ay patuloy na sumusubok sa katatagan ng ating food systems at supply chains,” ani Tiu Laurel.

“Lalong pinatutunayan ng mga hamong ito ang kahalagahan ng praktikal na kooperasyong panrehiyon, bukas na komunikasyon, at tuloy-tuloy na pagtutulungan,” dagdag niya.

Tinalakay ng mga ministro at matataas na opisyal ang food security, climate resilience, agricultural innovation at pagpapatatag ng value chains laban sa mga pandaigdigang krisis.

Binigyang-diin din ni Tiu Laurel ang kahalagahan ng India bilang partner ng ASEAN dahil sa karanasan nito sa agrikultura, food systems, research, technology at capacity development.

Sinuri sa pulong ang ASEAN-India Medium-Term Plan of Action for Cooperation in Agriculture and Forestry para sa 2021-2025 at ang panibagong five-year plan para sa 2026-2030.

“Sa pagpasok natin sa susunod na yugto ng kooperasyon ng ASEAN at India, inaasahan natin ang mga praktikal at results-oriented na aktibidad na makatutulong sa food security, sustainability, resilience, innovation, knowledge exchange, at kapakanan ng ating mga agricultural community,” ani Tiu Laurel.

Para sa Pilipinas, mahalaga ang mas matibay na regional cooperation habang patuloy na nahaharap ang agrikultura sa extreme weather, geopolitical disruptions at pagbabago sa presyo at availability ng fuel, fertilizer, feed at iba pang farm inputs.

Ayon kay Tiu Laurel, makatutulong ang koordinasyon upang mapaghandaan ang mga pagkagambala bago pa lumala ang problema sa suplay.

“May kumpiyansa akong lalo pang mapapatipay ng mga talakayan ngayong araw ang ASEAN-India partnership at maisasalin natin ang ating mga magkaparehas na prayoridad sa konkretong kooperasyon na kapaki-pakinabang sa lahat,” aniya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles