Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Survey says: Pinoy shoppers, kapit sa promos sa gitna ng giyera sa Middle East

Higit na nagtitipid at naghahanap ng murang shopping options ang mga Pilipino dahil sa pagtaas ng presyo ng fuel at iba pang bilihin bunsod ng giyera sa Middle East, ayon sa bagong consumer survey.

Ipinakita ng “Shopperscope 2026” survey ng Worldpanel by Numerator na lumala ang tingin ng Filipino consumers sa kanilang magiging financial at socio-economic situation sa susunod na 12 buwan.

Sa pre-conflict survey, 49 porsiyento ang nagsabing mananatiling pareho ang kanilang household finances. Bumagsak ito sa 34 porsiyento nang magsimula ang giyera.

Mula 14 porsiyento, bumaba sa 11 porsiyento ang umaasang “will greatly improve” ang kanilang sitwasyon. Ang mga nagsabing “will somewhat improve” naman ay lumiit mula 32 porsiyento patungong 24 porsiyento.

Samantala, lumobo mula 4 porsiyento hanggang 25 porsiyento ang nagsabing “will somewhat worsen” ang kanilang finances. Umakyat din mula 1 porsiyento patungong 6 porsiyento ang umaasang “will greatly worsen” ang kanilang kalagayan.

“Although the direct impact may vary, Filipino households are feeling intensified pressure by ongoing global challenges,” ani Worldpanel by Numerator Shopper Insights Director Laurice Obana sa isang press briefing.

Dahil sa pressure sa budget, hindi na lamang supermarket ang pinupuntahan ng mga mamimili. Dumadami ang gumagamit ng online shops at discount stores upang makahabol sa promos at mas murang presyo.

Nangunguna pa rin ang sari-sari stores, na nakakuha ng 41 porsiyentong share sa ikalawang quarter, mas mataas ng 3 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Nanatili sa 26 porsiyento ang supermarkets at hypermarkets, habang hindi nagbago ang market stalls sa 7 porsiyento.

Kapwa bumaba ng 7 porsiyento ang bahagi ng groceries at drugstores, na nasa 6 porsiyento at 3 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

Pinakamabilis ang paglago ng mga discount store tulad ng Dali at O! Save. Umakyat ng 44 porsiyento ang kanilang share at kumakatawan na sa 3 porsiyento ng kabuuang shopping market.

Tumaas naman ng 9 porsiyento ang online shops at 12 porsiyento ang convenience stores, bagama’t tig-1 porsiyento pa lamang ang kanilang market share.

“Retailers can no longer rely on old habits to attract shoppers. It is important to understand how and why Filipinos choose where they buy their essentials. While proximity is key, shoppers also place important considerations on completeness of assortment or product range as well as value delivery in these trying times,” ani Obana. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles