Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Babaeng nag-aalok ng murang braces kahit walang dental license, tiklo sa Iloilo

Arestado ang isang 22-anyos na babae matapos umanong mag-alok sa social media ng home-service dental braces kahit wala siyang formal dental training at professional license.

Kinilala lamang sa alyas na “Maymay” ang suspek na inaresto sa isang entrapment operation sa Jaro, Iloilo City noong Lunes, August 10.

Isinagawa ang operasyon ng Iloilo City Cyber Response Team matapos matuklasan sa kanilang cyber patrolling ang isang online post na nag-aalok ng pagkakabit ng dental braces sa bahay sa halagang ₱3,000.

Batay sa initial investigation, wala umanong pormal na pagsasanay sa dentistry ang suspek at hindi rin lisensiyadong dental professional.

Sa halip, natutuhan lamang umano niya ang procedure sa pamamagitan ng mga online video tutorial.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 33 ng Republic Act No. 9484, o Philippine Dental Act of 2007, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ng Philippine National Police na paiigtingin pa nito ang monitoring sa online activities upang matukoy ang mga nag-aalok ng umano’y ilegal at unauthorized na serbisyo sa internet. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles