Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Summer pride! Maynila, rarampa sa makulay na parada sa April 25

MANILA — Bongga at makulay na selebrasyon ang inaasahan sa darating na Manila Summer Pride 2026, matapos hikayatin ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang publiko na makiisa sa parada sa Abril 25.

Ayon sa alkalde, bukas ang lungsod sa lahat na nais magdiwang ng pagkakaiba-iba at pagkakapantay-pantay sa isang malaking pagtitipon na inorganisa ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila katuwang ang grupong Bekshie ng Maynila.

“Halina po kayo sa Maynila, arat na mga akla, sama-sama tayo! Let’s celebrate — this is for you. You can express yourselves,” ani Isko sa kanyang paanyaya sa public.

Promise ng alkalde, mananatiling sentro ang Maynila ng pagkakapantay-pantay, anuman ang estado o identidad ng isang tao.

“At gaya ng lagi kong sinasabi, sa Maynila — walang mahirap, walang mayaman, walang middle class, walang bakla, walang tomboy, walang lalaki, walang babae — pantay-pantay, equal opportunity,” diin niya.

Tatampok sa selebrasyon ang isang makulay na parada na magsisimula sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Remedios Circle, kung saan inaasahang dadagsa ang mga kalahok at manonood mula sa iba’t ibang sektor. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles