Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sophia Laforteza ng KATSEYE, pinoy pride na umani ng papuri sa Coachella

Hindi lang sa naging debut performance ng BINI sa Coachella nagdiriwang ang mga Pinoy fans worldwide.

Dahil maging sa kauna-unahang performance ng KATSEYE sa nasabing music festival ay nakaramdan din ng labis-labis na Pinoy Pride moment ang mga kababayan nating tumutok at nanonood ng live sa Sahara Stage ng Coachella sa California, USA.

Bago kasi kantahin ng ngayo’y mas nakilalang global girl group ang “My Way” ay nagsalita muna ang Fil-Am leader ng KATSEYE na si Sophia Laforteza at super acknowledged naman siya ng mga Pinoys na may bitbit pang Philippine flag sa audience.  

Obviously, proud na proud si Sophia sa mainit na pagmamahal sa kanila ng mga Pinoy. 

Ang bongga ng KATSEYE dahil 11 songs ang kinanta nila sa Coachella. Bukod sa “My Way”, kinanta rin nila ang bago nilang song na “Pinky Up” pati ang mga hits nila tulad ng “Gnarly”, “Gabriela”, “Debut”, “Mean Girls”, “Touch”, “Game Boy”, “Internet Girl”, “M.I.A (Remix)” at  ang “Golden” na special collaboration with HUNTR/X. 

Samantala, maraming solid fans ang nalungkot dahil hindi kumpleto ang KATSEYE dahil hindi kasama ng girls si Manon Bannerman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles