Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alden Richards, may panawagan sa ‘balik-alindog porma’

Handa na ngang ibalik ni Alden  Richards ang kanyang Beach Body para sa kanilang bagong aabangang proyektong ‘Love Siargao’ kung saan for the first time ay makakasama niya ang award-winning actress na si Nadine Lustre.

Extra challenge para kay Tisoy ( tawag kay Alden) ang ibalik ang ganda ng kanyang pangangatawan dahil bukod sa kilala ang Siargao bilang isa sa ‘most sought after beach destinations’ ay tiyak na magdidisplay ng kanyang super sexy na katawan si Nadine.

Si Nadine ay ginawa na ding second home ang Siargao kaya’t sanay na sanay na ito sa mga galawang ‘locals’ doon, most obvious ang lumabas ng naka- bikini, short o pang summer beach body.

Bukod sa exciting na tambalan ng dalawa, layunin din ng proyekto na ipamalas muli ang ganda ng lugar at sagutin ang mga isyu hinggil sa kung bakit pinipili ang Siargao bilang ‘respite destination’ ng maraming foreign and local tourists.

Doble sipag si Tisoy sa kanyang ‘balik-alindog’ porma lalo’t mas dinagdagan umano niya ang oras niya ngayon sa pag-eexercise thru biking and walking.

Dahil dito, ginagawa na ding advocacy ng sikat na aktor ang noo’y hilig lang niya sa pagbibisikleta bilang form of exercise. 

Sa kinakaharap na fuel crisis ng bansa, ini-engganyo nga ni Alden na subukan din ng mga kapwa pinoy ang mag-exercise thru biking and walking.

Sa kaugnay na panayam ng BISTADO, inamin ng magaling at kilalang aktor na ito ang tamang panahon para gawin ang mga bagay na may positibong epekto sa mental at physical health ng lahat.

Pahayag nito, “there’s always a way naman. We are known for being resilient at lumalaban sa mga challenges ng buhay. Sa ganitong krisis, we should also look at the other side of the coin ika nga. Yung simpleng paglalakad o pag-bike as means of communication ay may malaking maitutulong sa energy crisis. Ang naganda pa, yung naidudulot din nitong benefit sa ating physical being di po ba?.”

Kaugnay niyan ay nanawagan din si Alden sa mga motorista na  sana ay mabigyan tamang respeto sa daan ang mga kababayan nating mga siklista, joggers o brisk walkers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles