Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Shellfish sa Lianga Bay, positibo sa red tide

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos magpositibo sa paralytic shellfish toxin o red tide ang mga shellfish na nakolekta mula sa Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Naglabas ng advisory nitong weekend ang BFAR-Caraga Region (BFAR-13) matapos makumpirma sa laboratory analysis ang presensya ng toxin sa mga sample ng laman ng shellfish mula sa lugar.

“Based on the laboratory analysis conducted by the BFAR National Fisheries Laboratory Division using a screening test, i.e., Enzyme-Linked Immunosorbent Assay, shellfish meat samples collected from Lianga Bay are positive for Paralytic Shellfish Toxins,” pahayag ng BFAR-13.

Dahil dito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na pansamantalang huwag manghuli, magbenta o kumain ng anumang uri ng shellfish na nagmula sa Lianga Bay upang makaiwas sa posibleng shellfish poisoning.

Kasama rin sa babala ang Acetes sp. o mas kilala bilang “alamang” na nakukuha mula sa naturang bay.

Nilinaw naman ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, alimango at pusit mula sa lugar.

Gayunman, kailangang alisin ang mga lamang-loob ng mga ito at hugasang mabuti bago lutuin at kainin.

Nakikipag-ugnayan na rin ang BFAR sa mga local government unit upang paigtingin ang monitoring sa Lianga Bay at magsagawa ng information drive para maprotektahan ang kalusugan ng publiko. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles