Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P113K shabu nasamsam, drug suspect timbog sa CamSur

NABUA, Camarines Sur – Timbog ang isang 38-anyos na hinihinalang drug personality matapos makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa nitong Lunes, September 7.

Ayon sa Police Regional Office 5 (PRO 5), isinagawa ng mga tauhan ng Nabua Municipal Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V (PDEA RO V), ang operasyon dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Barangay Sto. Domingo.

Naaresto sa operasyon ang suspek na kinilala lamang sa alias na “Vince,” 38, residente ng Nabua.

Nasamsam umano mula sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang nasa 16.7 gramo ang kabuuang bigat ng nakumpiskang droga na may standard drug price na P113,560.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang constitutional rights gamit ang wikang alam at nauunawaan niya, alinsunod sa itinakdang proseso.

Isinagawa rin ang marking at inventory ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng suspek at mga mandatory witness upang matiyak ang wastong dokumentasyon at mapangalagaan ang integridad ng mga nakumpiskang item.

Sinabi ng PRO 5 na bahagi ang operasyon ng pinaigting nitong kampanya laban sa illegal drugs at iba pang kriminal na aktibidad sa Bicol Region.

Tiniyak ni PRO 5 Regional Director PBGen. Randy Glenn G. Silvio na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga indibidwal na sangkot sa illegal drug trade.

“Hindi kami titigil hangga’t hindi naaaresto ang mga indibidwal na nagiging instrumento sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa ating mga komunidad. Patuloy naming paiigtingin ang aming operasyon laban sa ilegal na droga, katuwang ang ating mga kababayan, upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan ng ating mga komunidad”, ani Silvio. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles