Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Senate nag-WFH matapos  ang NBI security threat; checks hinigpitan

Pinayagan ng Senado ang work-from-home (WFH) setup para sa mga empleyado nito sa June 10 at 11 matapos magpaabot ang National Bureau of Investigation (NBI) ng impormasyon tungkol sa security threat.

Sa advisory sa lahat ng Senate offices, sinabi ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na maaaring mag-WFH ang Senate Secretariat at Senate Proper employees sa Miyerkules at Huwebes para bigyang-daan ang security assessments, inspections, at iba pang precautionary measures sa loob ng Senate premises.

Hindi sakop ng WFH arrangement ang mga kailangang pumasok para sa security, safety, maintenance, at iba pang essential functions.

Ayon sa advisory, ginawa ang hakbang “in light of the security threat information relayed by National Bureau of Investigation Director Melvin A. Matibag.”

Layunin din nitong bigyan ng oras ang mga awtoridad na magsagawa ng kinakailangang security protocols sa Senado.

Sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms Chief, retired Police Major General Alfredo Sotto Corpuz, na nagsasagawa na ang security teams ng surveillance inspection sa paligid ng Senate complex.

“Ikot ko lang ’yung periphery natin. Parang tinatawag namin ito, security surveillance inspection,” ani Corpuz sa chance interview nitong Tuesday.

Tinanong kung ang heightened security ay nangangahulugan ng dagdag na tauhan at mas mahigpit na inspection.

“Yes, yes, all of those. Dagdag ng tao, dagdag ng higpit ng pag-inspeksyon, mga ganoong bagay,” sagot ni Corpuz.

Ayon kay Corpuz, tuloy ang routine sweeps sa loob ng Senado. Nakikipagtulungan ang Office of the Sergeant-at-Arms sa law enforcement agencies para tiyakin ang seguridad ng institusyon.

Nilinaw din niya na walang dahilan para mag-panic ang mga empleyado at publiko.

“Nandito pa rin kami para to secure the institution. Hindi naman dapat kabahan, kasi kami sa OSAA and the different law enforcement agencies na katulong namin is making sure naman na everything is okay,” ani Corpuz.

Kinumpirma rin ni Corpuz na nakikipag-coordinate ang kanyang tanggapan sa Philippine National Police, National Intelligence Coordinating Agency, at iba pang law enforcement at intelligence units kaugnay ng security information mula sa NBI.

Sa ilalim ng advisory, inatasan ni Gatchalian ang mga pinuno ng opisina na tiyaking tuloy ang operasyon sa pamamagitan ng remote work arrangements.

Kailangan din nilang isumite sa OSAA ang pangalan ng personnel na kailangang mag-report on-site.

Ayon kay Gatchalian, pangunahing prayoridad ang safety at security ng lahat ng Senate personnel habang isinasagawa ng concerned authorities ang kinakailangang checks sa loob ng Senado. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles