Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Phivolcs: Magnitude 8.2 quake posible sa 6 active trenches

Matapos ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na maaaring makaranas ng hanggang magnitude 8.2 na lindol ang mga lugar na nasa kahabaan ng anim na active trenches sa bansa.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, ang mga trench na ito ay ang Philippine Trench, na matatagpuan mula East Luzon hanggang Southeast Mindanao, pati na rin ang East Luzon Trough, Manila Trench, Negros Trench, Sulu Trench, at Cotabato Trench.

Ang magnitude 7.8 na offshore Sarangani earthquake na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao noong Lunes na dulot ng Cotabato Trench.

Kinumpirma ni Bacolcol na ito na ang pinakamalakas na lindol sa Pilipinas ngayong taon.

Pero nananatili pa ring pinakamalakas na recorded earthquake ang magnitude 8.1 na tumama sa Mindanao noong August 17, 1976.

Ipinaliwanag din ni Bacolcol kung bakit hindi ibig sabihin na kapag Cotabato Trench ang pinagmulan ay mismong Cotabato ang epicenter ng lindol.

“Cotabato Trench is the name, but it is actually long, more than 300 kilometers long,” ani Bacolcol.

Ayon sa Phivolcs chief, anumang lugar na nasa kahabaan ng active trench ay maaaring makaranas ng napakalakas na lindol.

Dahil walang eksaktong babala kung kailan tatama ang lindol, pinayuhan ni Bacolcol ang mga coastal community na agad lumikas sa mas mataas na lugar kapag nakaranas ng malakas na pagyanig.

“People living in coastal communities should know the natural signs of impending local tsunamis,” sabi niya.

Tinukoy ni Bacolcol ang tatlong senyales ng posibleng paparating na tsunami: malakas na pagyanig, biglaang pagbaba o pagtaas ng sea level, at malakas na ugong mula sa dagat.

“If any of these signs are observed, then they should evacuate immediately to a higher place,” ani Bacolcol.

Giit ng Phivolcs, mahalaga ang kahandaan lalo na sa mga lugar na malapit sa active trenches at coastal areas. Sa ganitong sitwasyon, hindi dapat hintayin ang opisyal na abiso bago kumilos kung malinaw na naramdaman ang malakas na lindol at nakita ang natural signs ng tsunami. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles