Sa nakuhang balita ng BISTADO ay tila daw nagkaroon ng biglaang “loyalty check” ang produksyon na kumuha kay Sen. Robin Padilla na napapanood sa action-drama series na Blood vs Duty sa ABS-CBN.
Dahil daw sa mga latest na pangyayari sa Senado at kung paano daw magpakita ng kanyang trabaho ang magaling na action star at pulitiko, may mga ilang concern diumano sa nasabing produksyon na nababahala sa mga reklamo at panawagan ng parehong televiewers nila at mga marketing group na nagbibigay at naglalagay ng sponsors sa show.
‘Well, actually, normal naman yung may laging reality check o marketing oversight ang isang produksyon. Nagkataon lang na this time and with Sen. Robin’s involvement na unpopular sa mga involved sa production, siyempre job namin yung balansehin ang mga bagay-bagay,” sagot sa BISTADO ng isang sangkot sa production.
Wala diumanong isyu sa casting ni Robin sa seris dahil bilang isang aktor ay mahusay naman daw nitong nagagampanan ang kanyang papel bilang isang Muslim leader.
Si Sen. Robin daw ang talagang nababagay sa naturang papel at sa daloy ng kuwento nito, “his character is very important,” susog pa ng same source.
Dagdag pang impormasyon ng BISTADO source, “may mga inaayos ng adjustment sa takbo ng istorya, but the Senator’s role will stay. Siguro may mga gagawin lang na spacing base sa takbo ng kuwento para hindi naman mag-suffer ang buong series.”
Subalit inamin din ng parehong source na “alarming” sa kanila ang umiikot na mga usap-usapan at opinyon ng mga taga-showbiz sa disgusto nila o hindi nila pagsang-ayon sa mga kilos pulitikal ni Robin.
“We heard that and it reached us. Pero for as long as nagde-deliver naman sa amin at hindi naman kami direktang apektado, nagagawan naman ng adjustment,” tugon ng kausap ng BISTADO sa diumano’y kumakalat na tsikang halos lahat umano sa showbiz ay “isinusuka na” o di kaya naman ay may krusada ng “unwanted” sa showbiz ang tinaguriang action superstar ng showbiz.


