Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ASAPXP, tuwing Linggo na ng gabi mapapanood

Whether reaction daw ito ng longest running musical variety show na ASAP sa panibagong timeslot na hamon ng TV5 at programa nitong VIBE, ang usaping mas maka-reach ng global audience ang hangad daw ng pagbabagong timeslot ng ASAP.

For 31 years, namamayagpag sa ere ang ASAP at walang anumang programa ang nagtagumpay na mapatumba ito. Sa timeslot nilang tanghali tuwing Linggo, hindi na mabilang ang mga musical artists, dancers, at hosts na sumikat at kinilala sa buong mundo. 

Halos naikot na rin ng ASAP ang mga pangunahing bansa mula Asya, hanggang sa USA at Europe upang makapaghatid ng kasiyahan hindi lamang sa kanilang pinoy audience kundi maging sa mga ibang lahi na nag-eenjoy makinig sa mahuhusay na singer at dancer ng show.

Subalit dala nga ng pagbabagong dulot ng hindi pagkakaroon ng network franchise ng ABS-CBN, may mga pagbabagong naganap lalo’t hindi na rin ito napapanood sa ibang network na naging “collaborator” nila o mga istasyong kumanlong sa kanila since mawalan sila ng franchise noong 2020.

Dahil dito, napag-desisyunan ng pamunuan ng programa na muli silang mag-re-invent at ilagay sa pang-gabing oras kapag Linggo ang ASAP na tatawagin ngayong ASAP XP.

Ito ang rebranded name ng show simula noong May 17,  5:30 ng hapon  at layunin nga nitong maipakita sa mga manonood at loyal supporter ng show ang mga special concert o musical event ng mga artists na kapamilya nito gaya nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, hanggang sa mas mga batang members na sina Erik Santos, Yeng Constantino, Darren Espanto, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, yung mga produkto ng mga singing at talent searches gaya ng Tawag ng Tanghalan, The Voice, Pinoy Idol at marami pang iba, hanggang sa mga globally renowned artists na BINI, mga p-pop boy groups, ang hanay ng mga teenagers at marami pang mga mahuhusay sa hosting gaya nina Robi Domingo, Kim Chiu at iba pa.

Sa panibagong format na ito ay inaasahang higit  pang maraming mga audience ang maabot nito. Mula sa studio ay dadalhin nga ng ASAP XP sa mas malawak na live arena at mga stadium events.

Sa ngayon ay nakatakdang tumungo ang show at magkaroong ng live tour sa Victorias City, Negros Occidental ngayong June 7, as well as upcoming shows in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles