Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SC, umaksyon kaugnay ng petisyon vs BSKE postponement

Pinasasagot ng Supreme Court (SC) ang Office of the President, Senado, Kamara at Commission on Elections sa petisyong kumukuwestiyon sa constitutionality ng batas na nagpaliban sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa en banc session nitong Miyerkules, September 30, inatasan ng SC ang respondents na magkomento sa petition for certiorari and prohibition na inihain ni election lawyer Romulo Macalintal laban sa Republic Act No. 12326.

Kasama sa petisyon ang kahilingan para sa temporary restraining order at/o status quo ante order.

Binigyan ng SC ang respondents ng non-extendible na limang calendar days mula sa pagtanggap ng notice para magsumite ng kanilang comments.

Nilagdaan noong September 24 ang RA 12326 na nagtakda ng limang taong termino para sa barangay officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Inilipat din ng batas sa November 2028 ang BSKE na nakatakda sana sa November 2026.

Ayon kay Macalintal, nilalabag ng batas ang karapatan ng electorate na bumoto dahil ipinagpaliban nito ang 2026 BSKE sa ilalim ng pagtatakda ng termino ng barangay at SK officials.

Iginiit din niyang pinahihintulutan ng batas ang incumbent barangay at SK officials na mag-“hold over” sa kanilang mga puwesto sa loob ng tatlong taon, mula December 2025 hanggang November 2028.

Wala pang ruling ang SC sa constitutionality ng RA 12326. Sa ngayon, comments pa lamang ng Office of the President, Senado, Kamara at Comelec ang ipinag-uutos ng Korte bilang tugon sa petisyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles