Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang tatlong petisyong kumukuwestiyon sa bagong paraan ng Senate Impeachment Court sa pagbilang ng two-thirds vote para ma-convict si Vice President Sara Duterte.
Sa en banc session nitong Miyerkules, September 30, ibinasura ang petitions nina Victor D. Rodriguez, Berteni Cataluña Causing at Atty. Ernesto B. Francisco Jr. dahil sa procedural grounds, kabilang ang lack of standing at prematurity.
Nag-ugat ang usapin sa September 23 ruling ng impeachment court na ang “all the Members of the Senate” sa Constitution ay tumutukoy sa mga senador na legal at aktuwal na may kakayahang lumahok sa oras ng botohan.
Iginiit ni Rodriguez na nagdagdag ang impeachment court ng qualification na wala sa Constitution.
Para naman kay Causing, dapat kasama sa bilang ang mga senador na nasa puwesto kahit nagtatago, detained o medically unable na dumalo. Hiniling din niyang piliting lumahok sa trial sina Senators Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta at Ronald “Bato” dela Rosa.
Iginiit naman ni Francisco na dahil 24 ang miyembro ng Senado, hindi bababa sa 16 senator-judges ang kailangan para sa conviction.
Hindi niresolba ng SC ang merito ng kanilang mga argumento. Procedural grounds ang dahilan ng dismissal, kabilang ang “lack of standing” at “prematurity.” /Bistado


