Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SC may basbas na ang Davao Light expansion sa Davao del Norte

DAVAO CITY – Tuloy ang pagpapalawak ng prangkisa ng Davao Light and Power Co. Inc. sa Davao del Norte matapos ibasura ng Supreme Court en banc ang motion for reconsideration ng Northern Davao Electric Cooperative Inc. (Nordeco).

Sa resolusyong may petsang April 29 na inilabas sa publiko nitong weekend, ibinasura rin ng Korte Suprema ang mga petisyon ng Nordeco kaugnay ng pagkuha ng mga assets nito sa Island Garden City of Samal, Tagum City at ilang bayan sa Davao del Norte.

Kaugnay ito ng Republic Act No. 12144, na nagpalawak sa prangkisa ng Davao Light sa mga lugar na dating sineserbisyuhan ng Nordeco.

Ayon kay Davao Light president at chief operating officer Enriczar Tia, nagbigay ng mas malinaw na direksiyon ang resolusyon sa mga legal na hamon sa batas habang ipinagpapatuloy ng kumpanya ang tungkulin sa pinalawak nitong sakop.

“The Supreme Court’s resolution provides further clarity on the legal challenges to Republic Act No. 12144. As we move forward, our priority remains the same — to provide safe, reliable and dependable electric service to the communities we serve,” ani Tia.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong pasya na maaaring palawakin ng Kongreso ang prangkisa ng Davao Light kahit sakop ng prangkisa ng ibang public utility ang lugar.

Nilinaw rin ng SC na ang prangkisa ng isang public utility ay pribilehiyong ipinagkakaloob ng Estado at hindi nagbibigay ng eksklusibong karapatang magsilbi sa isang lugar.

Maaari ring baguhin, amyendahan o bawiin ng Kongreso ang isang prangkisa kung kinakailangan para sa kabutihang panlahat.

Wala ring nakitang paglabag ang SC sa karapatan ng Nordeco sa due process. Ayon sa korte, malawakan ang naging deliberasyon ng Kongreso sa pagpapalawak ng prangkisa at nabigyan ng pagkakataon ang Nordeco na makilahok sa proseso.

Hindi rin umano nalabag ng expansion ang mga umiiral na kontrata ng Nordeco sa mga power supplier nito.

“We will continue to perform our responsibilities in accordance with the law while working closely with government agencies, local government units, and other stakeholders to ensure that the transition is carried out in an orderly and responsible manner,” ani Tia.

Pinagtibay rin ng hukuman na maaaring makuha ng Davao Light, sa pamamagitan ng expropriation, ang mga distribution asset na kinakailangan para sa maayos na serbisyo sa loob ng prangkisa nito, basta dumaan sa tamang proseso at mabayaran ang just compensation ayon sa batas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles