Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Barbie Forteza, bakit dream wedding ang Las Vegas?

Sa naganap na mediacon para sa pelikulang SAVING CHERRY na pinagbibidahan ni Kapuso actress Barbie Forteza, napag-usapan ang dream wedding ng mga tropang babae na member of the film cast.

Sa pangunguna nga ni Barbie ay isa-isang nagbigay ng kanilang saloobin ang mga kasama niyang sina Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio at nakisali na rin ang kilalang blogger na si Sassa Gurl.

Habng sina Mikee at Mika ay nangangarap ng bongga and yet intimate wedding kasama ang mga mahal nila sa buhay, si Ac ay nagnanais na magkaroon ng wedding na bukod tanging sila lang ng kaniyang magiging husband ang makaka-alam.

Mikee Quintos, AC Bonifacio, direk Andrew Payawal, Khalil Ramos, sa SAVING Cherry movie showing on Sept 2 mula sa Regal Ent… kuha ng BISTADO

Sey ni MIkee, “masarap mangarap at sumagot ng kanyang tanong pero siguro uunahin ko muna na matagpuan yung lalaki para sa akin. At sana, o dapat lang sigurong same kami ng dream wedding.”

Susog naman ni Mika, “since it’s going to be your most memorable day as a woman, siyempre itotodo mo na. From garden to beach to anywhere for as long as kasama mo ang lahat ng mahal mo, that’s a dream wedding.”

Si AC naman ay bantulot pang sumagot dahil aniya, “I have no idea at all since I have to experience to have a boyfriend. Siyempre important din na marinig at malaman ng isang girl kung ano ang opinyon ng isang guy na ikakasal. Wedding is a collaborative thing. Hindi lang dapat babae ang nag-iisip kung paano itong mangyayari.”

Ang nakisali sa tropa ng mga girl na si Sassa ay nagprisinta na ding sagutin ang tanong dahil aniya, “kahit hindi pa iyan legal dito sa Philippines (same sex marriage), pangarap ko talagang ikasal sa lalaking mahal ko. My dream is to have a grand one, yung lahat bongga, mula sa dress hanggang sa mga decorations, sa reception, sa program, pakak lahat.”

At dahil excited ang mga media people na naimbita sa mediacon kasama ang BISTADO, at marinig ang sagot ng bidang si Barbie Forteza, tinutukan ng lahat ang tugon nito.

Simple at walang kagatol-gatol nitong tinuran na dream wedding niya ang maikasal sa Las Vegas, USA.

Sey nito, “ako simple lang. I just want to have that dream wedding in Vegas, the Vegas style, in a Vera Wang gown.”

“At para mayroong divorce,” habol pa nito.

Pagkatapos ng mediacon ay agad kinuyog si Barbie ng mga kasamahan sa media kung saan further ay ini-explain niya ang kanyang sagot.

“Let’s admit it. Sa mundo ngayon at sa mga bagay na ganyan, hindi mo masisiguro na magla-last ang samahan ng couple no matter how much love they have for each other. With all due respect to my parents who are still very much on up to this day, yung sa akin siguro dala ng aking exposure sa work, sa klase ng mga lalaking nakakasama ko at posibleng makarelasyon, sa values na minahal ko na from here, at maraming factors..plus the economic, yung mga usapin sa prenup, status etc, You know what I mean, at the end of the day, hindi enough yung love kaya importante na kapag hindi na kayo magkasundo ng partner mo, legally speaking, mas mabilis kung may divorce.”

Alam ng showbiz na ang huling serious boyfriend ni Barbie ay si Jak Roberto for quite sometime. Nainvolve din siya kay David Licauco hanggang sa latest na si Jameson Blake, pero walang kumpirmasyon kung serious din ba ang mga yun o bahagi lang ng mga promo para sa kanilang mga projects.

Sa SAVING CHERRY ay gumaganap bilang isang babaeng may asawa si Barbie na confronted ng issue sa “cheating,” ng asawa niyang ginagampanan ni Khalil Ramos.

Inilarawan ni Barbie na lumabas daw sa movie ang kanyang ‘wild side’ as per the role calls for it.

Isa din itong barkada o tropa movie ng mga babae at binabae kung saan nag-bond sila hindi lang bilang mga ‘girls’ na may common emotions sa maraming bagay, kundi mga “human’ na simpleng nagnanais na maging masaya, malaya at kaya ding gawin ang mga ginagawa ng mga lalaki.

Mula sa Regal Entertainment sa panulat nina Patrick Tabada at Ivan Andrew Payawal na siya ding direktor, bibida din sa movie sina, Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at Than Perez.

Ipapalabas na ito sa mga sinehan nationwide on September 2.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles