Hindi napigilan ni SB19 member Stell na talakan ang isang ang isang netizen na nagpakilala pa namang solid fan niya dahil sa fake tweet news nito sa X.
Halatang imbyerna at hindi natuwa kaya hindi na napigilan pa ni Stell ang kumuda ng, “Sino ka naman para magsabi ng ganyan?! Ikaw yung toxic sa totoo lang. Tumigil ka. Hindi ko kailangan ng suporta mo kung ganyan ka sa mga kagrupo ko. Delete mo ‘to.”
Narito ang tweet ng mahaderang fan umano na ikinagalit ni Stell, “Tama nga si Pablo. Wala sa mukha pero napaka toxic pala ni Justin. Gusto ko pa naman friendship nila ni Stell, pero di mo malalaman just by looking at it na napaka toxic pala. Cancer nga. Literal na sumisira ng friendship!”
Ikinakalat kasi ng fan na ito na hindi na raw close bilang magkasama sa grupo sina Stell at Justin.
Pinagbibintangan pang si Justin nga raw ang may kasalanan at tinawag pa itong toxic at cancer sa grupo.


