Sunod-sunod ngayon ang mga endorsement shoot, product launching at shows nina Daniel Padilla at Kaila Estrada.
Dahil dito ay marami ang nagsasabi at naniniwalang masuwerte raw ang dalawa sa isa’t isa. Inulan sila ng mga trabaho lalo na noong mag-hard launch na sila sa publiko ng kanilang totoong relasyon.
Kaya naman ngayon pa lang ay marami na ang mga abangers na KaiNiel fans kung ano kaya ang gagawing pasabog ni Kaila sa 31st birthday ni Daniel next week.

Kung inyong matatandaan, naging bongga ang mga pa-birthday ganap at surprise ni Daniel last month para sa 30th celebration ni Kaila. Talagang marami ang natuwa, nasiyahan at lalong nagmahal sa dalawa.
Sa katunayan lalong kinilig ang marami nang bumalik pa sa El Nido, Palawan ang dalawa para sa advance birthday vacation getaway celebration ng aktres.
At sa birthday salubong nga ni Kaila noong March 15 ay may pa-flowers at pa-haranang song numbers pa ang aktor para sa gf niya.
Medyo busy-bisihan sa work ang magkasintahan these past few days kaya aligaga ang mga fans sa pag-iisip kung ano naman daw kaya ang pasabog na sorpresa ng aktres sa 31st birthday celebration ni Deej sa April 26? For sure babawi raw si Kaila sa nobyo.
Ito rin kasi ang first birthday ng aktor na magkasama sila bilang mag-dyowa.


