Spotted si Sarah Lahbati na may ka-date sa Power Plant Mall, Makati City nitong nakaraang Tuesday, April 14.
May mga netizen tuloy na nagkomento na hindi nga nagpakabog si Sarah sa ex-husband niyang si Richard Gutierrez kaya siguro may pa-hard launch na rin ito sa umano’y bagong bf niya.
Nag-trending sa socmed ang video kung saan makikita siyang nagmo-malling kasama ang isang poging foreigner. Komento nga ng nag-post ng video, bagay na bagay raw kay Sarah yung guy na kasama nito. Wala pang identity ang nasabing foreigner guy. Pero malinaw daw sa naturang video na “may something sa dalawa,” more than being friends.
Obviously, alam ni Sarah na marami ang pwedeng maka-sight sa kanila ng kasamang guy pero dedma ito sa madlang pipol na kasabay nilang rumarampa sa naturang high end Rockwell mall.
Sey nga ng netizen, “ang lagay ba ay si Richard lang ang masaya at pwedeng rumampa kasama si Barbie (Imperial) ? Deserve rin ng aktres ang lumigaya noh.”


