Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Makinig ka Liza Soberano, uso pa sa pinoy showbiz ang “love team”

May mga socmed post at group chats ngayong tahasang binabatikos si Liza Soberano hinggil sa mga pagsulpot ng mga bagong love teams sa showbiz.

Nakapagtatakang kahit ilang taon na ring wala sa sirkulasyon ang dating sikat na aktres dahil sa “abroad” na ang kinakarir nito, napag-uusapan pa din ang kanyang pangalan dahil sa mga nagsusulputang bagong love teams sa showbiz.

Matatandaang naging “mapangahas para sa mga supporter ng love teams ang minsang deklarasyon ni Liza na isa sa mga dahilan kung bakit umalis siya sa local showbiz ay dahil sa ayaw niyang makulong sa “love team, love team” sa showbiz. 

Naging pamoso kasi ang tambalan nila ni Enrique Gil na LizQuen sa parehong TV at movies at maging sa mga endorsements. 

Isa nga din ang tambalan nila noon sa tatlong pinaka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga supporter, ang dalawa ay ang KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre). 

Although nabuwag na din ang mga naturang love teams, nananatili pa din ang pagpapareha nila sa iba-ibang katamabla t effective pa rin ang resulta nito sa tv ratings man o box-office,

At nitong sunod-sunod ang paglunsad ng mga bagong tambalan, hayan na nga at may mga fans na handang magbigay ng 100% support sa mga ito. 

Kaya sa nasabing mga socmed sites ay may paalala sila kay Liza na kahit kailan daw ay hindi mawawala ang mga tandem-tandem sa showbiz.

Sigaw ng mga fandoms sa naturang sites, “makinig ka Liza, usong-uso pa rin sa pinoy showbiz ang mga love teams and they are to stay forever. Diyan ka na lang sa sinasabi mong hollywood career.”

Nagpakilalang mga tagahanga at fans ng mga loveteams ng DonBelle (Donny Pangilinan-Belle Mariano), FranSeth (Francine Diaz-Seth Fedelin) at JMFyang (JM Ibarra-Fyang Smith) ang mga nasa thread ng naturang chat groups o socmed posts.

May ire-react pa kaya si Liza Soberano?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles