Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rob Sy, may depensa sa reklamo ni Konsehal Alfred Vargas at asawa

Hindi man binanggit ng aktor na si Rob Sy ang pinatutungkulan ng kanyang mga hashtags na  “#WagAngAnakKo,” “#TruthOnly,” “#LookWhosTalking,” at “#DavidVsGoliath”, nagkakaisa naman ang lahat na bahagi ito ng kanyang sagot sa naging reklamo ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas.

Sa kanyang FB post nitong April 14, ay mariing itinanggi ng dating contestant ng Survivor Philippines na diumano’y “iniba” ng mag-asawa ang naratibo ng kuwento hinggil sa mga naging pangyayari sa inirereklamong “bullying” kontra sa kanyang 8-year old na anak.

Ayon kay Rob, nakahanda daw silang mag-asawa na harapin din ang reklamo nina Alfred at Yasmine dahil aniya, “masakit din sa amin bilang ga magulang ang akusahan ng hindi totoo at malinaw na binaliktad ang naratibo.”

Nakakuha ng kopya ang BISTADO ng buong post ni Rob (published as is):

 “Tahimik lang po akong tao, ayaw ng Kaaway, ayaw ng Gulo.

“Kahit pa madalas na naaabuso, Umiiwas pa rin sa Negatibo, dahil laging pinapa-iral ang Kapayapaan at Respeto.

“Pero sa Patuloy na Pang-aagrabyado sa aking Pamilya, lalo na sa aking Anak, panahon na para basagin ang Katahimikan

“Sa aming mga Pamilya at mga Kaibigan, humihiling po kami ng Dasal at Pang-unawa, at Makakaasa po kayo na buong tapang naming haharapin ni Jovelle ang nasabing reklamong isinampa sa Manila City Prosecutor’s Office na diumano nambully ang aming anak.”

Sobrang sakit bilang Magulang na maakusahan ang aking 8-Year-Old na Anak lalo na’t Hindi Totoo at Malinaw na Binaliktad ang Naratibo.

“Tama na!!! Sobra Na!!! Labis na ang Paninira

“IPAGLALABAN PO NAMIN ANG KATOTOHANAN

“Wala man po kaming Yaman at Impluwensya, Hawak naman po namin ang Integridad at Katotohanan na Hindi Nabibili ng Posisyon

“Maraming Salamat po!!! at Maraming Salamat po sa Gabay at Proteksyon at Malinaw na Pagpapaliwanag sa Proseso ng Batas”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles