Hindi nga nakadalo at nakapag-perform ang Pop Royalty ng concert scene na si Sarah Geronimo sa matagumpay na Aurora Music Festival last May 2 and 3 sa Clark Global City in Pampanga.
Maaga pa lang ay nag-anunsyo na ang G Entertainment na hindi na makakasama si Sarah sa line-up ng mga big stars na mga OPM artists na nakatakdang mag-perform sa ikalimang pag-stage ng naturang big music event sa bansa.
Ang G Entertainment ang sariling production house ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli na nangangalaga ng kanilang mga respective careers sa music, concert scene at iba pang production-related works.
Ayon sa kumalat na balita, nahihilo, nagsusuka at nanghihina daw si Sarah kaya’t minabuti ng mga nag-aalaga dito na konsultahin ang mga doktor sa posibleng kalagayan nito.
Agad ding kumalat ang balita na posibleng nagdadalang-tao na ito.
Supposedly ay dapat may performance si Sarah kasama ang SB19, plus her solo production numbers na inaasahan ng kanyang mga supporters. Subalit last minute nga ay biglang may pasabi na ayon sa kanyang mga doktor ay need ni Sarah na magpahinga.
“Hindi kami nalungkot sa balitang pinagpapahinga siya ng mga doktor niya. Sana totoo nga ang news na nasa interesting stage na siya. Magbubunyi talaga kami,” sigaw ng mga fans ni Sarah na kung tawagin ay mga Popsters.
Matagumpay namang naidaos ang music event despite the said announcement.Ayon pa sa mga organizer nito, “What began as a bold vision to spotlight Filipino music has evolved into one of the country’s most anticipated annual music festivals.
Now in its fifth year, Aurora continues to bring together some of the biggest names in OPM, creating a rare live music experience where multiple generations of Filipino artists share one massive stage.”
Bukod sa SB19, IV of Spades, Ben&Ben, alternative rock band December Avenue, nakisali din sa okasyon ang acclaimed singer-songwriter Armi Millare, SexBomb Girls, OPM rock bands Parokya Ni Edgar and Kamikazee (KMKZ), and beloved OPM singer-songwriter Kitchie Nadal.


