Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jake Cuenca, support lang kay Rabiya Mateo

Humarap na sa publiko sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo makaraang laging pinag-uusapan ang mga sighting sa kanila sa maraming lugar.

Wala na nga daw dudang nag-level up na ang kanilang relasyon at hindi panay pa socmed lang na kesyo nagdi-date sila o nagkakamabutihan using their socmed platforms.

Sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2026 coronation night sa MOA Arena last weekend, napanood ng marami ang very sweet moments ng dalawa on and off the stage.

Pero mas marami ang nagsasabi na tila si Jake lang daw ang very demonstrative sa dalaga.

“Considering the status of Jake sa showbiz, hindi niya iniinda kung magmukha man siyang alalay ni Rabiya. Napaka-gentleman nito sa pag-alalay kay Rabiya. Ito pa ang humahawak ng laylayan ng gown at talagang ipinararamdam niya sa beauty queen na reyna ito kung kanyang ituring,” reaksyon ng mga nakasaksi sa kanila sa naturang event.

“Huwag naman sanang magalit yung mga fans ni Rabiya, pero mukhang nag-eenjoy naman si girl sa ganung treatment sa kanya. Na para bang sinasabi pa nitong kayang-kaya niyang gawing supporter lang niya ang magaling at guwapong aktor,” diin naman ng ilan na tila daw ay nabababawan sa gesture ng beauty queen.

Para naman sa ilan, “nauunawaan namin na love talaga ni Jake si Rabiya dahil ni hindi nito tinitingnan ang kanilang status. Sikat si Jake samantalang wala pa namang napapatunayan si Rabiya and yet, ok lang sa lalaki na magmukha siyang alalay. Sana naman ay ma-reciprocate o ma-compensate man lang,” saad pa ng iba.

Well, ganyan talaga kapag pinaiiral ang puso. Sino ba naman daw tayo para mangialam o manghimasok lalo’t kapwa naman sila nasa edad na at kung tutuusin ay nasa marrying stage na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles