Inilatag na ni President Ferdinand Marcos Jr. ang full government response para tulungan ang mga komunidad na apektado ng ashfall mula sa patuloy na unrest ng Mayon Volcano sa Albay.
Sa pahayag ng Malacañang nitong Linggo, iniutos ang agarang mobilization ng key agencies para protektahan ang public health, tiyakin ang kaligtasan, at panatilihin ang access sa essential services sa mga apektadong lugar, lalo na sa Guinobatan at Camalig.
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways ang clearing operations para alisin ang volcanic ash sa major roads at matiyak ang ligtas na daan ng mga residente at emergency responders.
Namahagi naman ang Department of Health ng N95 masks at nag-deploy ng mobile clinics at water stations para tugunan ang respiratory illnesses, kabilang ang coughing, breathing difficulties, at eye irritation na dulot ng ashfall.
Sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government, nag-deploy ang Bureau of Fire Protection ng personnel para sa water spraying at ash clearing operations.
Pinangangasiwaan naman ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council ang evacuation efforts, habang mahigpit na mino-monitor ang high-risk zones sa paligid ng bulkan.
Nakapag-preposition na rin ang Department of Social Welfare and Development ng libo-libong food packs, ready-to-eat meals, at iba pang relief supplies para sa mga pamilyang nasa evacuation centers sa Bicol Region.
Binabantayan din ng mga awtoridad ang mga ilog at waterways dahil sa posibleng lahar flows, lalo na kapag may malakas na ulan.
Patuloy na nagpapakita ang Mayon Volcano ng intensified at magmatic unrest. Noong Sabado, nakapagtala ng 32 volcanic earthquakes, kabilang ang 25 volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang 15 minuto. Hindi bababa sa 50 barangay sa iba’t ibang bayan sa Albay ang naapektuhan.
Pinayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na manatili sa loob ng bahay, magsuot ng protective masks, at sumunod sa advisories ng local government units habang patuloy na nagbabago ang sitwasyon. /Bistado


