Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gobothia, Roda kampeon muli sa steeplechase sa PH Athletics C’ships

Habang nakatuon ang pansin sa paglahok sa ika-20 Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan, ipinakita ng mga pambansang steeplechaser na sina Junell Gobothia at Jessa Mae Roda ang kaya nilang ibigay para sa Pilipinas matapos magpasiklab sa ICTSI Philippine Athletics Championships sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

Sa pagdiriwang ng 128th Araw ng Kalayaan nitong Biyernes, kinontrol ni Gobothia ang huling tatlong ikot ng men’s 3,000-meter steeplechase at nagtala ng pinakamabilis na siyam na minuto at 8.35 segundo.

Hindi nagpahuli si Roda, na nilampasan ang kapwa pambansang atleta na si Edna Magtubo sa huling 100 metro upang angkinin ang kampeonato sa women’s division sa oras na 10:38.57.

Jessa Mae Roda (Mula sa PSC Media)

Mas mabilis ang kanilang mga oras kumpara sa 9:15.39 ni Gobothia nang mag-uwi ng silver medal at sa 11:18.86 ni Roda na nagtapos sa ikalimang puwesto sa New Taipei City Athletics Open sa Chinese Taipei kamakailan.

Sentro rin ng atensyon si Rica Balderama, na kumakatawan sa Far Eastern University. Target sanang maabot ang anim na metrong lundag ngunit nakuntento na sa personal best na 5.89 metro upang masungkit rin ang gintong medalya sa women’s long jump.

“Mas maganda ito kaysa sa last takbo ko sa Taiwan kasi hinahabol namin ni coach Vertek (Buenavista) ‘yung qualifying time para sa Asian Games na 8:36.57,” ani Gobothia, na nanalo ng ikatlong gintong medalya sa pangunahing track and field competition ng bansa.

“Kung puwede, I will strongly endorse Gobothia to be one of our steeplechasers in the Asian Games. Malaki naman ang improvement niya and I believe kanya pa niyang ang kang time,” ayon kay Buenavista, dating kampeon sa steeplechase ng Southeast Asian Games at isang mahusay na marathon runner.

Sinabi ni Buenavista na isusulong din niya ang pagsama ni Roda sa pambansang koponan para sa 20th Asian Games, bagama’t 9:47.53 ang qualifying time sa nasabing event.

“Naghintay lang po ako ng pagkakataon at hindi nagpabilis sa mga unang rounds kasi baka ako maubusan,” paliwanag ni Roda tungkol sa naging estratehiya.

Nanghinayang ang 22-anyos na si Balderama dahil hindi niya naabot ang anim na metro pataas na lundag, na makatutulong sana upang makapasok siya sa kauna-unahang Asian Under-23 Championships na nakatakdang idaos sa Ordos, China.

Ang qualifying distance sa kanyang paboritong event ay 6.30 metro.

“Kaunti na lang sa takeoff alam kung makukuha yung six meters. Sayang, pero masaya ako dahil nakakuha ako ng bagong personal best,” dagdag ni Balderama.

 Ipinagmamalaki pa rin nya ang matagumpay na pag-depensa sa kanyang titulo sa kabila ng matinding hamon mula sa mga atleta mula sa Singapore, South Korea at Malaysia.

Napunta ang silver medal kay Enya Chee ng Singapore sa lundag na 5.79 metro, habang nakuha ni Aliya Nasaruddin ng Malaysia ang bronze medal sa 5.76 metro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles