Inamin ng magaling na aktor at isa sa mga ‘hari’ ng GMA 7 network na si Ruru Madrid na proud member siya ng Iglesia ni Cristo.
Subalit hindi daw sa lahat ng pagkakataon ay basta na lang niyang ginagawa ang mga bagay na ni-re-require para sa isang aktor nang hindi kinukunsidera ang kanyang pagiging INC member.
Sa programang Fast Talk ni kuya Boy Abunda, tinanong ng King of Talk sa aktor kung ano ang mga limitasyon sa kanya bilang aktor ng kanyang pagiging tapat na miyembro ng INC.
“I’m gonna be honest, Tito Boy. Of course, it is challenging as an actor. Bilang isang aktor hindi ka lang naman umaarte. Marami rin pong mga tao na nag-lu-look up sa’yo or nagsisilbing inspirasyon ka. At marami po sa mga tagahanga ko ay miyembro ng Iglesia ni Cristo. Siyempre, hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay mauunawaan nila kung ano po yung ginagawa namin bilang isang aktor.”

Kaya naman bago daw niya ginagawa ang mga eksenang sa tingin at panlasa niya ay posibleng maglagay sa kanya sa isang sitwasyon na makukumprumiso ang kanyang ‘faith’ ergo relihiyon, “inaagapan ko na po ang paggawa ng solusyon.’
Bukod sa pakikipag-usap sa produksyon, sa writer at direktor, marespeto daw na ini-inform ni Ruru ang mga producer ng anumang project na kanyang ginagawa tungkol sa mga bagay na maaaring iwasan o hindi gawin.
Pero sambit ni Ruru, “But I wouldn’t say it’s a limitation, kasi pwede naman po ‘yun maipaalam (sa INC heads).”
Inamin din ng aktor na talagang may mga pagkakataon na may mga offers siyang tinatanggihan at hindi ginagawa dahil sa usapin sa kanyang ‘faith’ at ilan nga daw dito ang product o service endorsements na may kinalaman sa alak, sugal, o usapin sa ‘sex’.
Nang tanungin naman siya kung posible bang mag-portray siya ng karakter mula sa ibang relihiyon gaya ng ginawa niya sa isang movie na hindi pa ni-ri-rilis, ang “Los Salvajes Bravos” kung saan papel ng isang binyagang Katoliko ang kanyang role.
Kuwento nito, “ang story po niya, Tito Boy, kami po yung mga dinala na mga Pilipino o mga Igorot na dinala po sa Spain during the 18th Congress. And during that time, hindi pa po nag-exist ang Iglesia Ni Cristo.”
Bahagi nga daw ng kanyang pagiging INC faithful ang pag-submit niya ng ‘salaysay’ sa INC kapag may mga projects na kailangang hingan ng permiso mula sa pamunuan kapag sa tingin niya ay may mga bagay na masasagasaan o malalagay sa alanganin ang kanyang ‘faith.’
“Pero lahat naman po ng ginagawa ko bilang aktor ay aprubado. Wala pong naging isyu o problema noon pa man,” saad pa ni Ruru.
Kasama na nga dito ang mga eksenang may halikan o bed scene, basta daw hindi ito basta ginawa lang ng walang dahilan o hindi parte o wala sa context ng story.
“Actually, I don’t usually ask permission for these kinds of scenes anymore because I think they understand that these are things actors regularly do,” dagdag pa ni Ruru na naniniwalang hindi niya dapat limitahan ang sarili nang dahil sa mga ganung usapin lalo’t nasa “era of expansion” na daw sila ngayon.
Bukod sa pelikulang “Los Salvajes Bravos,” bibida din si Ruru sa Cinemalaya 2026 film na “Hand of God.”
Aabngan din siya sa nalalapit nilang pagsasamang muli ni Dennis Trillo sa action-series ng GMA 7 na “Hari ng Tondo.” Malapit na itong mapanood sa Kapuso network.


