Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pagkawala ni Shuvee sa The Master Cutter, pinag-usapan!

Marami ang nalungkot sa naging plot twist ng istorya ni Shuvee Etrata bilang Tonet sa GMA Prime serye na The Master Cutter. 

Mula sa pagiging nanay-nanayan ni Ibyang (Sienna Stevens) at pangangarap na maging jowa ni Atoy (Dingdong Dantes) ay talaga namang kinaaliwan ang kanyang karakter sa serye. 

Kaya nagulat ang lahat sa mga maiinit na eksena dahil nalaman na ni Tonet na si Janine (Erikka Laude) ay hindi tunay na anak ni Atoy kay Audrey (Max Collins). 

Mula sa mga maaksyon na habulan hanggang sa pagpapanggap na may sakit ay nauwi na nga sa pagkamatay ang karakter ni Shuvee sa serye. 

Sey ng ilang netizens, si Tonet ang naging happy pill ng serye at gabi-gabi itong inaabangan. “Still hoping na sana it’s just a story twist, na tinago muna sha until she can reveal the truth (p.s. gagaling ng mga artista ng MC, hats off!!)” 

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa proyekto at karakter na ipinagkatiwala sa kaniya ng GMA. 

Sey ni Shuvee, “Thank you so much sa lahat ng sumubaybay at nagmahal sa journey ni Tonet. Napakalaking bagay po sa akin ng proyektong ’to. Dito po ako natuto, nag-grow, at mas nakilala ko kung sino ako bilang artista. Daghan kaayo kog nakat-unan, and I know dadalhin ko lahat ng ’yon sa mga susunod ko pang gagawin.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles