Mag-iisang linggo ng wala sa It’s Showtime ang main host nitong si meme Vice Ganda matapos dinggin ng MTRCB ang inihaing reklamo ng ilang concerned netizen at groups tungkol sa naging asal nito sa programa last July 24.
Sa ipinatawag na summon hearing ng MTRCB sa mga producers ng show kasama na ang mga networks kung saan ito ipinalalabas (sa kasong ito ang ABS-CBN at GMA 7), last July 29, walang malinaw na direktiba kung may may ibinigay na bang parusa o pinag-aaralan pa din ang kaso.
Nalaman na lang ng netizen na hindi na napanood ang pamosong main host na si Vice Ganda simula pa noong August 1.
Dahil dito, nag-conclude ang mga tao na posible nga daw na pinatawan na ng kaukulang parusa ang mahusay na aktor-host hanggang sa mga sandaling ito.
Although walang confirmation tungkol sa mga haka-hakang ito, malakas ang paniniwala ng marami na baka nga daw nagkaroon ng “internal arrangement” ang mga concern para sa naturang parusa.
Mariin naman itong pinabulaanan ng mga loyal fans and supporters ng programa.
Nasa Vietnam daw ngayon si Vice at nagbabakasyon kasama ang ilang family friends. Matagal na umanong nakaplano ang naturang bakasyon bago pa man nagkaroon ng iskandalo.
May mga nagtatanong naman kung inihatid lang daw ba si Vice ni Ion dun o sinamahan ng ilang araw dahil as of today, Auguist 5, napapanood naman sa It’s Showtime si Ion.
Ang nasabing bakasyon ni Vice ay nataon lang daw talaga na natapat sa ginagawang imbestigasyon ng MTRCB.
Sa ngayon ay pansamantalang sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid Karylle at Amy Perez ang mga tumatayong main hosts ng It’s Showtime,plus yung mga regular nilang co-hosts.
Binigyan din ngayon ng break ang komedyanteng si NEGI bilang siyang pansamantalang co-host ng portion para sa mga LGBTQ, ang Reyna Talak-era ng Miss Q and A.
Sinubukan ng BISTADO na kunan ng pahayag ang mga nagpapatakbo ng It’s Showtime, subalit hanggang sa sinusulat namin ito ay hindi pa sila tumutugon.


