Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rochelle Pangilinan, sinemplehang “boljak ng pag-aww” si Bret Jackson

Kinakantiyawan naman ng mga fans ng Sexbomb ang vlogger host na si Bret Jackson nang dahil sa wala umanong kalatoy-latoy nitong pag-interview sa original all girl group ng showbiz.

Sa naturang interview kung saan patuloy ang pag-promote ng grupo sa mga upcoming shows nila here and abroad, nakipagkulitan sila sa guwapong binata sa kanyang vlog show.

Kilalang mga aktibo at makukulit ang Sexbomb lalo na kapag magkakasama sila at nagbibigay ng sample ng kanilang mga dance steps o mga kanta.

“They all are very energetic kahit nag-age na din sila. Very sexy at grabe pa din ang pagiging agile nila at mga galawang pang-dalaga kahit alam na ng marami na may mga anak ng teenager silang lahat,” sey ng mga fans ng Sexbomb.

Kaya naman daw naloka at halos maubusan ng energy ang karamihan sa mga ito dahil very slow pacing, walang buhay ang mga sinasabi at kulang na kulang sa energy si Bret.

“Considering na naging PBB housemate din siya huh (batch nina James Reid at Ryan Bang), artista at host….at sure naman kaming kilala niya at kahit paano ay inabutan niya ang sikat na Sexbomb kaya’t sobrang imposible na hindi man siya maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. Saka hindi ba dapat man lang ay may backgrounder ka sa mga iniinterview mo?,” paglalahad pa ng mga fans.

Dulot nito ay tila sinubukan si Bret ng leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan nang tila in-interrupt na nito ang host sa pamamagitan ng pagpapasigaw dito ng pamoso nilang “get get awww” chant na very energetic ang datingan.

“Eh di natameme siya. Susme, yung sigaw niya, parang sa ilong lang dumaan. Wala pa ring buhay at all.

Nakakasuyang panoorin dahil halatang hindi niya alam ang chant at klase ng energy ng grupo. Nakakahiya siyang host. Kaya hayun, nagmukha lang naman siyang ‘engot’ at naboljak ng simple ni Rochelle,” hirit pa ng mga fans.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles