Hindi man pinangalanan ni Pokwang ang tinutukoy nitong tao o mga tao sa pag-rant niya ng kanyang tila ‘essay o tula’ tungkol sa pagiging artista, ramdam daw ng netizen na may kinalaman ito sa mga isyung pulitikal na madalas bigyan ng opinyon ng mga artista.
Isa nga si Pokwang sa mga very active, open at vocal na artista na madalas magbigay ng kanyang sentiments sa mga usapin ng bayan.
Sa naturang post ng komedyante ay nagpapahayag ito ng kanyang sama ng loob sa mga tao o netizen na itinuturing o tinatawag lang sila bilang “artista lang.”
Na kesyo wala silang alam, mga bobo at walang karapatang mamuna o pumuna sa mga nagaganap sa lipunan.
Na nang dahil sa pagiging artista kaya’t naiahon nila sa hirap ang kanilang mga pamilya, nagkaroon ng kabuhayan at iba pang mga biyaya na noon ay isang pangarap lang para sa kanila.
Parte pa ng post ni Pokwang, “artista lang ako, bobo kaya yung paaralan mo kung saang publiko ka man nag-aral at kalsadang nilalakaran mo ay galing sa tax ko.”
“Oo artista lang ako bobo di kagaya mo nag-aral at nakapagtapos pero ang tanong ginamit mo ba ang pinag-aralan mo?,” tanong pa ni Pokwang sa kung sinumang pinatutungkulan niya.
May mga nagbigay din ng reaksyon na umiral na naman daw ang pagiging “entitled” ng komedyante na sobrang yabang at taas na daw ang tingin sa sarili.
Inisa-isa nila ang mga previous socmed activities nito mula sa pakikipaghiwalay sa Amerikanong asawa hanggang sa involvement ng kapatid na driver na naka-engkwentro ng isang aksidente.
Kahit ang pagtanggal sa kanya sa mga show niya sa GMA 7 ay ginawa ding “bashing items” sa komedyante, kaya’t wala daw talaga itong karapatan na maglitanya ng kung anu-ano sa socmed dahil lumalabas lang daw tuloy na tila wala itong pinagkakaabalahan sa ngayon.
May mga tila nangantiyaw pa sa aktres-host na maging “writer” na ang daw ito gaya ng isang reporter sa showbiz dahil parang may future ang klase ng hanash nito?


