Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Carla Laforteza, hindi nga ba ‘bet’ si Leon Barretto?

Sa mga kinikilig pa rin sa magandang pagtitinginan nina Leon Barretto at Sophia Laforteza ng KATSEYE, naging kapansin-pansin sa kanila ang biglang pag-a-unfollow ni Carla Guevara-Laforteza sa IG account ng  anak ni Marjorie Barretto at kapatid ni Julia, na si Leon.

Si Carla ay dati ring kilalang singer at aktres sa showbiz noong 90’s at siya nga ang nanay ng leader ng international  girl group na KATSEYE na si Sophia Laforteza.

Pinag-usapan din ng netizen ang tila naging sunod-sunod na mga cryptic post ni Carla sa IG story niya.Naghihinala tuloy ang mga tsismosang  netizens  na baka imbyerna raw talaga mudra ng international pop singer kay Leon o hindi kaya naman ay nagkaroon umano ito ng hindi magandang experience sa pamilya ng binata noong active pa ito sa local showbiz.

Panay-panay pa naman ang pagpe-flex ni Leon kay Sophia na kasama niya sa Coachella lalo’t marmaing mga ‘fans’ nila ang kinikilig at tila sinusubaybayan ang kanilang love ‘something.’

Naka-follow pa rin naman si Leon sa IG account ni Carla.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles