Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ian Veneracion, handang maging “ninong” nina Daniel at Kaila

Magiliw na nakipag-usap si Ian Veneracion sa mga kasamahan sa showbiz media para sa nalalapit niyang project na Drug War: A Conspiracy of Silence.”

Isa itong crime drama series na kanyang pagbibidahan at mapapanood this 2026.

Sa masayang kuwentuhan ay nakunan ng reaksyon si Ian kung naimbitahan ba siya sa pinag-uusapang kasal ng kanyang dating leading lady na si Bea Alonzo sa bf nitong si Vincent Co.

“Alam kong ikakasal na siya at masaya ako for her. I know na masaya siya dahil noong last na magkausap kami, yun naman talaga ang gusto niya– maging isang asawa at magkaroon ng sariling family. Hindi ko pa nakikilala si Vincent but from what I’ve heard, he is a good man, decent and I know na hindi siya pipiliin ni Bea kung hindi talaga siya yung para sa kanya,” pahayag pa ng guwapong aktor.

At dahil usapang mag-jowa at katrabaho na din lang isyu, naitanong din sa aktor kung ano naman ang masasabi niya sa mga kailan lang ay nakatrabaho niyang sina Daniel Padilla at Kaila Estrada?

“I am also very happy for them. Kahit noong nag-wo-work pa kami (for Incognito), talagang may special friendship na sila. Bagay sila at kapwa mababait at mabubuting mga bata iyan,” sey pa ni Ian.

Ramdam daw niyang natagpuan na kapwa nina Deej at Kaila ang isa’t-isa dahil nagsimula sila bilang mabuting magkaibigan bago pa  man naging magkasintahan.

Kaya naman nang may magtanong kung willing ba siyang maging “ninong” ng dalawa kung sakaling magpapakasal na rin ang mga ito, sagot ni Ian, “ganyan talaga ang mga tanong? But seriously, I like them both, Nasa kanila yun. I am here to support and guide them kung hihingin nila yun sa akin.”

Going back to the said series na “Drug War: A Conspiracy of Silence,” executive producer nito ang Emmy Award-winning producers from KC Global Media in collaboration with Rein Entertainment, ang Asian Academy Creative Award-winning production company behind the series “Bagman.”

Isa itong limited series na pinagbibidahan din nina Jane Oineza, Harvey Bautista, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Lotlot de Leon at John Arcilla sa direksyon ni Shugo Praico.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles