Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Relief yacht nasunog habang papunta sa quake-hit areas, 42 volunteers ligtas

Nailigtas ang 42 volunteers matapos masunog ang sinasakyan nilang yacht na may dalang relief supplies para sa mga komunidad na tinamaan ng magnitude 7.8 earthquake sa Southern Mindanao.

Nangyari ang insidente nitong Biyernes habang papunta ang grupo sa quake-hit areas.

Sa video na ipinost sa official social media page ng Adventists Southern Asia-Pacific Philippines, makikitang lumilipat ang volunteers mula sa yacht patungo sa mas maliit na bangka matapos mapansing may makapal na usok mula sa vessel.

Ayon sa ulat, naobserbahan ang usok sa pagitan ng 11:30 a.m. at 12 noon.

Lahat ng 42 volunteers sa yacht ay nailigtas at dinala sa Barangay Pangyan sa Glan, Sarangani. Walang naiulat na nasaktan o namatay.

Ang Sarangani ang lalawigang pinakamatinding tinamaan ng magnitude 7.8 earthquake noong June 8.

Sa social media post, sinabi ng Philippine Coast Guard na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa local authorities para alamin ang sanhi ng insidente at kung ano pang tulong ang kailangan.

Ayon kay Pastor Nildo Mamac, president ng Southern Mindanao Mission, nasa 5 percent lamang ng relief supplies ang na-recover.

“Although we have lost supplies and equipment, we are grateful that every volunteer was spared. Material things can be replaced, but lives cannot,” ani Mamac sa news article na inilabas sa website ng Seventh-day Adventist Church Southern Asia-Pacific.

“The safety of our volunteers remains our greatest blessing in this situation,” dagdag niya.

Ayon sa religious group, ginamit nila ang vessel na pag-aari ni Adventist-laymen’s Services & Industries president Edsel Lim para maihatid ang relief supplies dahil ilang major roads pa rin ang hindi madaanan matapos ang lindol.

“Despite the loss of much of the relief cargo, church leaders and volunteers remain committed to delivering assistance to affected families and are working to establish alternative logistical arrangements to continue the humanitarian operation,” ayon sa grupo.

Ayon sa Office of Civil Defense, umakyat na sa 47 ang bilang ng mga nasawing bineberipika dahil sa malakas na lindol. Mayroon ding 688 nasugatan at 31 nawawala as of June 11. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles