Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mahigit 800 lisensya binawi, sinuspinde ng LTO sa crackdown vs pasaway na drivers

Mahigit 800 erring drivers ang nasuspinde o nabawi ang driver’s license sa crackdown ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga pasaway sa kalsada mula noong October ng nakaraang taon.

Sa statement nitong Biyernes, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na 434 driver’s licenses ang na-revoke, habang 396 naman ang sinuspinde mula nang maupo siya sa ahensya.

Ayon kay Lacanilao, layunin ng crackdown na palakasin ang road discipline, maiwasan ang aksidente, at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

“Bahagi ng aming tungkulin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas-trapiko, at isa lamang ito sa mga konkretong tagumpay ng LTO,” ani Lacanilao.

Sa 434 revoked licenses, 325 ang kinansela sa loob ng dalawang taon, 15 sa loob ng apat na taon, at 94 ang permanenteng binawi.

Sa 396 suspended licenses, 23 ang may one-month suspension, 290 ang three-month suspension, pito ang six-month suspension, isa ang seven-month suspension, at 75 ang one-year suspension.

“Ito ay patunay na patuloy na ginagawa ng ahensya ang mga hakbang upang matiyak na ang publiko ay mananatiling responsableng mga driver at mahigpit na susunod sa mga umiiral na batas-trapiko upang mapanatili ang kaligtasan sa lansangan,” sabi ni Lacanilao.

Ayon ng LTO, tuloy ang pagpapatupad ng mga paghihigpit laban sa mga driver na lumalabag sa traffic laws, lalo na kung nalalagay sa panganib ang ibang motorista, pasahero, at pedestrian. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles