Kung na-shock ang publiko na pelikula pala na Red Crown at hindi pageant contest ang viral na Queen of the Islands, lalo pang naloka ang pageant fans nang ma-reveal na thriller pala ang upcoming film ng GMA Pictures!
Bongga nga dahil real beauty queens at mga artista ang magbabardagulan sa Red Crown kasama sina Yana Aduana, Alethea Ambrosio, Ara Arida, Herlene Budol, Skye Chua, Faith da Silva, Michelle Marquez Dee, Haley Dizon, MJ Encabo, Shuvee Etrata, Gazini Ganados, Rein Hillary, Maika Kemmochi, MJ Lastimosa, Aira Lopez, Sanya Lopez, Ahtisa Manalo, AZ Martinez, Ashley Ortega, Vanessa Peña, Sandy Riccio, Jade Tecson, Tarah Valencia, Yna Angela Uy, at Yza Thalia Uy.
Exciting rin dahil kasama pa sa mga cast sina Ruffa Gutierrez, Michael De Mesa, Epy Quizon, Bianca Manalo, at marami pang iba.
Iisa nga halos ang sinasabi ng mga nakapanood ng full trailer: “Akala ko normal pageant movie lang grabe yung plot twist ”
“Love it the plot twist is plot twisting”
Satire ang atake ng Red Crown na may pasilip sa kung ano ba ang nagaganap sa harap at likod ng pageant stage. Patatawanin ka pero mapapaisip rin kung sino ba ang magsu-survive–literally–dahil hindi lang title ang dapat mapanalunan, kundi ang sarili mong buhay! Kaloka di ba!
Sa October 28 na mapapanood sa mga sinehan ang Red Crown


