Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

58th, pinilahan sa South Korea, biyaheng Taiwan naman!

Mula sa successful Philippine run ng 58th, tuloy-tuloy nga ang international screenings ng nasabing animated docu-film mula sa GMA Public Affairs at GMA Pictures.Patuloy ang pag-ani nito ng papuri sa 31st Busan International Film Festival sa South Korea, kung saan sold out na ang lahat ng screening at talkback nito mula October 6 to 15.

Katunayan, marami sa mga nanood ang nakipag-usap at humingi pa ng autograph sa direktor ng pelikula na si Carl Joseph Papa. May mga filmgoers din na nagbahagi ng kanilang reaksyon matapos nilang mapanood ang 58th.

Napili ang nasabing pelikula para sa Documentary Showcase sa ilalim ng Wide Angle section ng festival. Kasama ni Papa ang Creative Producer ng 58th at GMA Public Affairs Senior Asst. Vice President Johnson Tam at Supervising Producer na si Ian Simbulan.

Byaheng Taiwan din ang 58th matapos ianunsyo ng GMA na ipapalabas ito sa nasabing bansa very soon sa tulong ng Be True Entertainment & Recreation at Mountain High Pictures.

Ang 58th ay tungkol sa mga biktima ng Maguindanao Massacre na naganap noong 2009. Nakasentro rito ang kwento ni Reynaldo Momay, ang photojournalist na kinikilalang ika-58 na biktima ng Maguindanao Massacre, ngunit ang labi ay hindi pa natatagpuan.  Tampok sa animated film sina Glaiza de Castro, Mikoy Morales, Marco Masa, Zyren Dela Cruz, Biboy Ramirez, at ang yumaong aktor na si Ricky Davao bilang Reynaldo Momay.

Nauna nang ipinahayag ng Film Academy of the Philippines (FAP) na suportado nito ang 58th sa hangarin nitong mapasama sa Best Documentary Feature category sa darating na 99th Academy Awards (Oscars).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles