Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sikat na Sikat na Aktres, walang bagong ipinakita kaya “flop”ang serye? 

Marami ang nagtataka kung bakit daw imbes na mas maging magaling na aktres ang isa sa pinaka-maituturing na importanteng babaeng artista sa showbiz ngayon ay tila mas naging “bano” pa itong umarte?

Napapansin kasi ng kanyang mga detractors, kahit ng kanyang mga supporters na halos paulit-ulit at pare-pareho lang ang role na ibinibigay sa aktres at halos iisa lang daw ang “atake” nito?

Kapuna-puna din daw ang halos iisang istilo nitong nanlalaki ang mga mata kapag galit kahit pa simpleng inis o nasasaktan ang emote nito.

“At saka yung style niya ng pag-iyak na may hawi ng buhok, laging ganun siya kahit ang role niya ay mahirap, sopistikada o mayaman o simpleng girlfriend. Five years ago or more, ganun na namin siya napapanood,” ang mala-kritikong puna ng mga detractors niya.

Simula daw ng mahiwalay si sikat na sikat na aktres sa kanyang longtime love team partner na naging jowa din niya bago sila nag-break, hindi na raw nag-improve ang pag-arte nito kumpara sa ilan niyang mga kasabayan na pawang mga award-winning actresses na.

“At least na-no-nominate naman siya,” pakunsuwelo ng mga supporters  niya na naghahanap na rin ng bago sa sikat na sikat na aktres pagdating sa pagganap.

Balitang karelasyon ngayon ni sikat na sikat na aktres ang isang celebrity mula sa angkan ng mga politiko outside Metro Manila. 

Ang naturang politiko daw ngayon ang nagbibigay ng kakaibang inspirasyon sa aktres kaya daw marahil hindi na nito nararanasan ang mapapait at negatibong feelings kaya daw kulang sa sustansya ang pagganap nito sa mga roles niya.

Ang problema, dahil nga sa nag-flop ang kanyang huling serye na pinagbidahan, malamang daw na matengga muna si sikat na sikat na aktres sa mga TV o film projects dahil humiling din daw itong mag-lay low muna sa pag-arte.

Yun nga lang, marami ang natatakot na baka kung kailan trip na uli nitong magtrabaho ay saka naman wala na siyang project o di kaya naman ay tuluyan na siyang nakalimutan ng publiko?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles