Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Poultry mula UK, papasukin basta galing HPAI-free zone

Isinapormal na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng poultry products mula sa mga lugar sa United Kingdom na walang High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) sa pamamagitan ng Department Circular No. 17.

Ayon sa DA, “Pinagtitibay ng hakbang na ito ang patuloy na pagkilala ng dalawang bansa sa mga lugar na walang HPAI, upang matiyak na tuloy-tuloy ang kalakalan mula sa mga itinalagang lugar.”

Batay sa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry (BAI), “may matibay na veterinary oversight at epektibong mitigation measures ang UK, kaya mababa ang panganib na makapasok ang mga infected na produkto mula sa mga aprubadong zone.”

Saklaw ng circular ang iba’t ibang poultry products. “Saklaw ng circular ang live birds—poultry man o hindi—kabilang ang day-old chicks, hatching eggs, at karne ng manok, basta’t nagmula ang mga ito sa mga lugar sa UK na sertipikadong walang HPAI.”

Ayon sa DA, nakaangkla ang hakbang sa umiiral na accreditation system ng UK at sa “DA Administrative Circular No. 09, series of 2025, na nagtatakda ng mga alituntunin sa pagkilala ng mga disease-free zones sa mga katuwang na bansa.”

Binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang layunin ng polisiya. “Binibigyan tayo ng regionalization ng kakayahang maging flexible sa pagkuha ng suplay ng pagkain habang pinananatili ang mahigpit na mga pananggalang,” ani Tiu Laurel.

“Pinapalakas nito ang food security sa pamamagitan ng pagtitiyak ng tuloy-tuloy at ligtas na suplay ng poultry products para sa mga Pilipino, kahit may mga outbreak ng sakit sa ibang bansa.”

Nilinaw din ng DA na “Lahat ng imports ay mananatiling saklaw ng mga napagkasunduang import terms and conditions, gayundin ng mga umiiral na regulasyon ng DA ukol sa animal health at food safety.” /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles